“Zero voting turnout” ng mga OFW sa Chile, ikina-alarma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 323 total reads

Mahalagang makiisa ang bawat Overseas Filipino Workers sa isinasagawang OFW absentee voting sa iba’t ibang bansa.

Ito ang binigyang diin ni Engr. Francisco ‘Jun’ Aguilar – Pangulo ng Filipino Migrants Workers Group.

Aniya, kritikal ang isinasagawang halalan, sapagkat ito ang magtatakda sa panibagong administrayong mamamahala sa bansa sa susunod na anim na taon.

Dahil dito, mahalagang aniyang lumahok at makiisa ang bawat Filipino sa halalan upang tunay na maihatid at maiparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing at makapili ng karapat-dapat na lider para sa posisyon na tunay na mabibigay solusyon at tutugon sa kanilang mga partikular na suliranin at sitwasyon.

“Makialam at to participate kasi napaka-critical nitong eleksyon na ito at importante na marinig din ang boses at ang damdamin ng mga OFWs na nandoon sa labas..” pahayag ni Aguilar sa Radio Veritas.

Batay sa pinakahuling datos ng Commission on Elections, umabot sa higit 1.38 milyon ang registered overseas voters mula sa iba’t ibang bansa, kung saan 1.32-milyon dito ay mga land-based voters habang higit 49-na-libo naman ang mga seafarers.

Unang binigyang diin ng CBCP- Episcopal Commission on Migrants and Itenerant People ang halagahan ng mga OFW sa lipunan at kanilang malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Batay sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2015 tumaas pa ng 3.6 na porsyento ang OFW cash remittance na umabot sa 22.83-billion dollars kumpara sa 22.08-billion dollars noong 2014.

Samantala, pinagpapaliwanag ng Department of Foreign Affairs ang embahada ng Pilipinas sa Chile kung hanggang sa kasalukuyan ay “zero” pa rin ang voting turnout sa Chile.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 60,498 total reads

 60,498 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 146,994 total reads

 146,994 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 190,031 total reads

 190,031 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 239,790 total reads

 239,790 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 398,063 total reads

 398,063 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top