181 total views
Inilunsad ng Caritas Manila at Radyo Veritas unang bahagi ng proyektong “Oplan Damayan” na naglalayong palakasin ang kahandaan at kakayanan ng iba’t-ibang Diyosesis sa eastern seaboard ng bansa.
Kasama ang mga kinatawan at mga Social Action Director mula sa Diyosesis ng Tagum, Butuan, Mati, Surigao del Norte at Tandag ay magkakaroon ng dalawang araw na “planning activity” ang mga nasabing diyosesis kasama ang dalawang institusyon ng Archdiocese of Manila.
Inaasahan ni Father Ric Valencia,priest minister ng Disaster program ng Caritas Manila na sa pamamagitan ng “oplan damayan” ay mas magiging maagap ang pagtugon ng ibat’ ibang diyosesis sa mga pangangailangan sa tuwing may kalamidad.
“Because of the oplan damayan, we could establish a nationwide cluster emergency response planning of the Catholic Church.”pahayag ni Father Valencia sa Radio Veritas
Malaking bagay na maging maagap ang simbahan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga kapanalig na ma apektuhan ng calamities.
Matapos ang dalawang araw na pulong sa Diocese of Tagum ay tutungo ang grupo ng Radyo Veritas, Caritas Manila at NASSA-Caritas Philippines para sa ikalawang bahagi ng oplan damayan sa Visayas region.