Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PNoy sa 6 na taon sa puwesto, bigong pangalagaan ang kalikasan

SHARE THE TRUTH

 294 total views

Bagsak ang ibinigay na grado ng Alyansa Tigil Mina sa naging performance ni Pangulong Benigno Aquino III matapos ang anim na taong panunungkulan nito sa bansa.

Ayon kay Jaybee Garganera, National Coordinator ng grupo, hindi tama ang naging pagpapatupad ng administrasyong Aquino sa Executive Order 79 na naging batayan ng grupo sa pagtimbang ng kabuuang panunungkulan ng Pangulo sa usapin ng pangangalaga sa kalikasan.

“Ikinalulungkot namin pero bagsak yung administrasyon, duon sa sukatan kung pinatupad ba nila or tama ba yung pagpapatupad nila dun sa mismong polisiya na sila yung naglabas.” Pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.
Aniya, bagamat may batas na nagbabawal at naglilimita sa mga mining companies upang hindi lubos na maapektuhan ng mga dumi nito ang kalikasan at ang komunidad na malapit dito, ay hindi ito nasunod ng mga kumpanya.

Dagdag pa ni Garganera, ang mga karagdagang proposal sa pagmimina na dapat nang ibasura ay inaprubahan pa ng administrasyon Aquino.

“Tulad nung contracts review saka performance evaluation, hindi nagawa iyon. Yung mapa na kung saan pwedeng magmina at hindi magmina, bagamat inilabas nila ay hindi nila masabi na final at unified map na ito, si hindi rin magamit ng mga local government sa pagdedesisyon.” Pahayag ni Garganera.

Bukod dito, ikinadismaya rin ng grupo, ang kawalang aksyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na panagutin ang mga mining companies na napatunayang lumabag sa environmental protection.

Sa huli, inihayag ni Garganera na mananatiling magmamatyag ang ATM sa magiging pamamalakad ng papasok na administrasyong Duterte, at nakahanda itong panagutin ang anu mang pagkilos na magdudulot ng pagkasira sa kalikasan at sa buhay ng mga tao.

Sa tala ng Mines and Geosciences Bureau, ang Pilipinas ay nagtataglay ng 21.5 billion metric tons ng metal deposit habang mayroon naman itong 19.3 billion metric tons na non metallic minerals.

Dahil dito umabot sa 1,828 mining applications ang natanggap ng Aquino Administration sa loob ng anim na taon nitong panunungkulan sa bansa

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 30,255 total views

 30,255 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 41,419 total views

 41,419 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 77,574 total views

 77,574 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 95,376 total views

 95,376 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 167,768 total views

 167,768 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 111,614 total views

 111,614 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567