Parish Priest ng pinasabog na Jolo Cathedral, umaapela ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total views

Tiniyak ng Parish Priest ng Jolo Cathedral o Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu ang pagbibigay katarungan para sa mga biktima ng pagsabog sa Simbahan habang naganap ang banal na misa.

Ayon kay Rev. Fr. Jefferson C. Nadua, OMI dapat na mabigyang ng katarungan ang sinapit ng mga inosenteng biktima ng karahasan sa loob mismo ng cathedral.

Ipinapanalangin rin ng Pari ang kaligtasan ng lahat ng mga mananampalataya sa lalawigan kasunod ng naganap na pagsabog.

Umaapela rin ng panalangin si Fr. Nadua hindi lamang para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan kundi maging para sa pagkamit ng katarungan at pagpapanagot sa mga nasa likod ng pagpapasabog sa loob ng Simbahan.

“Medyo magulo pa ang utak ko ngayon, pero we pray for safety of those who are wounded and we pray for na sana walang casualties sa mga parishioners natin na nandoon then we’ll see to it to bring justice doon sa nangyari sa kanila, so far yun lang muna dahil medyo magulo pa.. Pray for us…” pahayag ni Father sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa inisyal na mga impormasyon, dalawang pagsabog ang naganap sa Jolo Cathedral pasado alas-otso ng umaga sa kasagsagan ng Banal na Misa.

Ayon sa Philippine National Police – ARMM, naganap ang dalawang pagsabog sa entrance at sa loob mismo ng Simbahan kung saan batay sa pinakahuling tala umabot na sa 21 ang nasawi sa naganap na pagsabog habang nasa mahigit 70 naman ang sugatan.

Ayon sa Catholic Directory of the Philippines may aabot sa 29,500 ang bilang ng mga mananampalatayang Katoliko sa Apostolic Vicariate of Jolo mula sa mahigit 1.7-milyong kabuuang populasyon sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,401 total views

 48,401 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,270 total views

 44,270 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,472 total views

 80,472 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,162 total views

 89,162 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,376 total views

 114,376 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top