Simbahan, ikinasa ang matibay na depensa at mabilis na pagtugon sa kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,119 total reads

Pinangunahan ni NASSA/Caritas Philippines national director Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona at Legazpi Bishop Joel Baylon ang pagsisimula ng 3-day 1st National Caritas Humanitarian Response Summit sa Legazpi City,Albay.

Ang summit ay dinaluhan ng 70-Social Action Center Directors ng Simbahang Katolika,Caritas Manila, Quiapo Church kasama ang apat na Caritas Internationalis member organization, ibat-ibang non-governmental organizations gayundin ang local government unit ng Albay, Sorsogon at Masbate.

Binigyan diin ni Archbishop Tirona na napakahalaga ng summit upang maging handa ang ibat-ibang social arms ng Simbahang Katolika sa larangan ng disaster preparedness,pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong mamamayan at pagtulong sa recovery at rehabilitation ng mga sinalanta ng man made at natural calamities sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ayon kay Archbishop Tirona,kailangang maging prepared ang Simbahan sa pananalasa ng kalamidad at pagtulong sa kapwang nangangailangan.

Inihayag ng Arsobispo na napakahalagang magsama-sama at magkaroon ng kaalaman ang ibat-ibang institusyon ng Simbahan,mamamayan,mga NGOs at mga local government units kung paano kikilos at tutugon sa pananalasa ng sakuna.

“Alam natin na maging handa lalo na papasok ang la Niña, kailangang maging handa tayo, huwag nating sabihin na sanay na tayo sa mga bagyo,disaster.Kkailangan nating maging prepared na tumulong sa kapwa,kailangan nating magsama sama, makiisa sa pagtulong. Napakahalaga na meron tayong kaalaman kung paano tayo kikilos sa mga sakuna,” pahayag ni Archbishop Tirona sa Radio Veritas.

Palalakasin din sa summit ang Alay Kapwa program ng Simbahan.

Isasapinal sa summit ang sustainability road map ng Simbahan para sa mga mamamayang apektado ng sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 130,152 total reads

 130,152 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 173,322 total reads

 173,322 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 223,080 total reads

 223,080 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 382,274 total reads

 382,274 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 403,448 total reads

 403,448 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top