Journey of the Incorrupt Heart Relic of St. Camillus De Lellis: Iwaksi ang culture of indifference

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 795 total reads

Sa puso nagsisimula ang pag-ibig na siyang dapat na nagsisilbing matibay na sandigan ng bawat isa laban sa kumakalat na sakit sa lipunan na tinatawag na ‘indifference’.

Ito ang inihayag ni CBCP-Episcopal Commission on Health Care Executive Secretary Fr. Dan Cancino nawa aniya ay maging epekto ng Journey of the Incorrupt Heart Relic of St. Camillus De Lellis upang malunasan ang naturang kumakalat na sakit sa lipunan.

Ayon sa pari, kabilang sa mga maituturing na sakit ng lipunan ang kawalan ng pakialam sa kapwa at maging sa buong mundo na nagdudulot ng pagkakahiwa-hiwalay.

Ito ay tinukoy ni Pope Francis na throw-away culture kung saan naisasantabi ang mga mahihina at maliliit na sektor ng lipunan.

Umaasa ang pari na magiging instrumento ang hindi naaagnas na puso ni San Camillo na magkaroon ng dalisay na puso ang bawat Filipino na palaging handang tumulong at magbahagi ang sarili para sa mga nangangailangan.

“Sa ating lipunan ngayon at sa ating mundo meron tayong sakit na tinatawag na indifference wala ng pakialam, mayroon tayong sakit ng pagkakahiwa-hiwalay akin ito sa’yo ‘yan, mayroon tayo sakit ng yung tinatawag ni Pope Francis yung culture of throw-away kapag hindi na kita kailangan itatapon nalang kita, pero sana paalalahanan tayo nung puso ni San Camillo de Lellis na yung puso pinagmumulan ng pag-ibig, yung puso pinagmumulan ng pagkakaisa, yung puso pinagmumulan ng pagpapahalaga,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Cansino sa panayam sa Radyo Veritas.

Nauna ng ibinahagi ng Pari ang panalangin na ganap na mapuspos ng pagbisita sa bansa ng hindi naaagnas na puso ni San Camillo ang bawat Filipino upang magkaroon ng dalisay na pusong bukas sa pagbabahagi ng sarili para sa bawat isa.

Noong ika-2 ng Pebrero dumating sa bansa ang ‘Incorrupt Heart Relic’ o ang higit 400-taon nang hindi naaagnas na puso ni Saint Camillus de Lellis upang bumisita sa iba’t-ibang mga Simbahan at ospital mula sa mahigit na 19 na mga diyosesis sa buong bansa.

Inaasahan namang isasagawa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral ang Farewell Mass ng Incorrupt Heart ni St. Camillus sa ika-31 ng Marso bago muling bumalik sa Roma.

Anim na taon na ang nakalipas nang unang naganap ang Journey of the Incorrupt Heart ni St. Camillus sa Pilipinas noong February 18, 2013 hanggang March 10, 2013 kung saan mas naging maalab rin ang debosyon ng mga Filipino kay St. Camillus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 126,861 total reads

 126,861 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 170,300 total reads

 170,300 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,056 total reads

 220,056 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,252 total reads

 379,252 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 400,593 total reads

 400,593 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top