Huwag iboto ang vote buyer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 600 total reads

Hindi dapat na iboto ang mga kandidato na bumibili ng boto.

Ito ang apela sa mga botante ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy kaugnay sa nakatakdang May 13, 2019 Midterm Elections.

Ipinaliwanag ng Obispo na hindi dapat na ihalal ang mga kandidatong bumibili ng boto upang maimpluwensyahan ang desisyon ng mga botante sa nakatakdang halalan lalo na kung wala namang magandang track record ang mga ito sa pagsiserbisyo sa publiko.

Iginiit ni Bishop Famadico na walang magandang motibo ang pagbili ng boto ng sinuman lalo na’t maituturing na sagrado ang boto ng bawat isa.

“Huwag iboto yung bumibili ng boto o huwag iboto yung nag-iimpluwensya para siya lang ang iboto kahit alam na hindi naman maganda yung motibo saka wala namang magandang track record…” panawagan ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang inihayag ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na nagsisimula sa proseso pa lamang ng halalan ang katiwalian at korapsyon sa kaban ng bayan dahil babawiin ng mga kandidato ang ginastos sa halalan kapag nahalal na opisyal ng gobyerno.

Batay sa inisyal na pagsusuri ng Philippine Center for Investigative Journalism bago pa man sumapit ang campaign period noong ika-12 ng Pebrero ay tinatayang umabot na sa 2.4 na bilyong piso ang halaga ng campaign ads ng mga kandidato mula January 2018 hanggang January 2019.

Samantala, kasabay ng paggunita ng Simbahang Katolika sa Taon ng mga Kabataan ay mariing tinatawagan ng Simbahang ang mga kabataan upang aktibong makibahagi sa mga usaping panlipunan partikular na lamang ang nakatakdang halalan.

Sa tala ng COMELEC, 20-milyon mula sa 60 milyong rehistradong botante ay mga kabataan nasa edad 18 hanggang 35 taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 128,582 total reads

 128,582 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 171,857 total reads

 171,857 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 221,613 total reads

 221,613 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 380,809 total reads

 380,809 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 402,076 total reads

 402,076 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top