Huwag iboto ang vote buyer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 506 total reads

Hindi dapat na iboto ang mga kandidato na bumibili ng boto.

Ito ang apela sa mga botante ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy kaugnay sa nakatakdang May 13, 2019 Midterm Elections.

Ipinaliwanag ng Obispo na hindi dapat na ihalal ang mga kandidatong bumibili ng boto upang maimpluwensyahan ang desisyon ng mga botante sa nakatakdang halalan lalo na kung wala namang magandang track record ang mga ito sa pagsiserbisyo sa publiko.

Iginiit ni Bishop Famadico na walang magandang motibo ang pagbili ng boto ng sinuman lalo na’t maituturing na sagrado ang boto ng bawat isa.

“Huwag iboto yung bumibili ng boto o huwag iboto yung nag-iimpluwensya para siya lang ang iboto kahit alam na hindi naman maganda yung motibo saka wala namang magandang track record…” panawagan ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang inihayag ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na nagsisimula sa proseso pa lamang ng halalan ang katiwalian at korapsyon sa kaban ng bayan dahil babawiin ng mga kandidato ang ginastos sa halalan kapag nahalal na opisyal ng gobyerno.

Batay sa inisyal na pagsusuri ng Philippine Center for Investigative Journalism bago pa man sumapit ang campaign period noong ika-12 ng Pebrero ay tinatayang umabot na sa 2.4 na bilyong piso ang halaga ng campaign ads ng mga kandidato mula January 2018 hanggang January 2019.

Samantala, kasabay ng paggunita ng Simbahang Katolika sa Taon ng mga Kabataan ay mariing tinatawagan ng Simbahang ang mga kabataan upang aktibong makibahagi sa mga usaping panlipunan partikular na lamang ang nakatakdang halalan.

Sa tala ng COMELEC, 20-milyon mula sa 60 milyong rehistradong botante ay mga kabataan nasa edad 18 hanggang 35 taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 27,045 total reads

 27,045 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 135,155 total reads

 135,155 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 179,825 total reads

 179,825 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 202,031 total reads

 202,031 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 237,752 total reads

 237,752 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top