Malawakang pagbaha sa Cagayan, pinangangambahan sa patuloy na black sand mining.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 837 total reads

Nangangamba ang Archdiocese of Tuguegarao ng malawakang pagbaha sa kanilang mga coastal areas dahil sa patuloy na operasyon ng black sand mining.

Ayon kay Fr. Augustus Calubaquib, Social Action Director ng Archdiocese of Tuguegarao, patuloy ang pagmimina ng mga Mining Companies sa kanilang mga baybayin dahilan upang lalo itong masira at magdulot ng pagbaha kapag may bagyo, labis na pag-ulan at storm surge.

Aminado si Fr.Calubaquib na protektado pa rin ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ang Black sand mining sa lalawigan ng Cagayan dahilan upang hindi ito mapigil maging ng lokal na Pamahalaan.

Dahil aniya sa patuloy na pagmimina ng magnetite sa mga coastal areas ay mas tumataas ang posibilidad ng malawak na pagbaha.

“Kasi pag-wala ng magnetite sa black sand, kinukuha na ng tubig ang lupa sa Coastal town’s, kaya apektado na talaga… Wala na magnetite wala ng nagpapabigat sa mga sand na andun, kaya kapag malaki ang tubig definetely mayroon flooding.” Pahayag ni Fr. Calubaquib sa panayam ng Radio Veritas.

Nanawagan din ang Archdiocese of Tuguegarao ng ibayong pangangalaga sa kalikasan partikular na sa Bulubundukin ng Sierra Madre.

Ayon kay Fr. Calubaquib, malaking tulong sa kanila ang Sierra Madre na siyang pumipigil sa malalaks na bagyo.

“Kapag wala na ang Sierra Madre na humaharang sa malalakas na ulan, hangin at bagyo delikado kami”dagdag pa ng Social Action director ng Tuguegarao.

Batay sa datos, taong 2015 ng pumasok ang gobyerno sa isang mineral production agreement kung saan pinahihintulan ang black sand mining sa may maihigit 53 libong ektarya ng baybayin sa Northern Cagayan.

Mariing tinutulan ng ilang mga residente at maging ng Simbahan ang nasabing kasunduan lalo na’t magdudulot ito ng peligro sa buhay ng mga residente at labis na pagkasira ng kalikasan.

Magugunitang sa pananalasa ng bagyong Pablo noong taong 2015, isa ang Cagayan sa mga nakaranas ng pinsala nito na umabot sa halos 10 bilyong piso sa kabuuan ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 430 total reads

 430 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 42,898 total reads

 42,898 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 149,774 total reads

 149,774 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 194,441 total reads

 194,441 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 216,633 total reads

 216,633 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 243,199 total reads

 243,199 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 374,837 total reads

 374,837 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top