Mga bagong gabinete, dapat humingi ng payo sa mga ‘career people’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 320 total reads

Pinayuhan ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang mga bagong talagang miyembro ng gabinete ng Duterte administration lalo na ‘yung mga wala pang karanasan sa kanilang posisyon na humingi ng payo sa mga eksperto o ‘career people’.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng komisyon ito ay upang magabayan sila at magawa nila ng tama ang kanilang tungkulin.
“Problema natin marami sa mga appointees hindi career people, pumasok lang sila diyan kasi inappoint sila, kung minsan di nila alam pa ang nangyayari sa loob kaya sana mayroon silang kabukasan at magpagabay sila sa mga career people na nasa loob upang makita talaga at ma-evaluate kung ano ang mga dapat palitan at ipagpatuloy.” Ayon pa sa obispo.
Sa record ng Office of the Philippine President, nasa 43 ang regular na miyembro ng gabinete maliban pa dito ang kani-kanilang assistants at mga tauhan habang sa nagdaang May 9, 2016 elections nasa 18,083 ang elective positions.
Kaugnay nito, pinayuhan din ng obispo ang papasok na administrasyong Duterte na huwag mamulitika sa kanilang pamamahala sa pamamagitan ng hindi pagpapalit sa mga magagandang naipatupad ng nagdaang administrasyon.
Sa halip, aniya dapat itong ipagpatuloy at pagandahin pa gaya ng mga batas na talagang nakinabang ang mamamayan lalo na ang mahihirap.
Dagdag ng obispo, dapat ang mga programa na pumalpak o hindi nakabuti sa taong bayan ang palakasin o di kaya palitan.
“Lahat naman may nagawang kabutihan, ang reflection ko lang pakiusap sa papasok na administrasyon na kapag maganda na hindi na dapat palitan sa halip pagandahin pa kasi ito ang problema sa pulitika na dahil ito ay ginawa ng dati pinapalitan kahit maganda na, kaya magandang gawin sana ipagpatuloy, yung mga mahina at medyo palpak yun ang i-improve at palitan, dapat suriin ng maayos ano ba talaga ang mga programa na nakatulong sa mga tao.” Pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa Social Doctrine of the Church, kinakailangan na sa mga programa ng pamahalaan, ang kapakanan ng nakararami lalo na ang mahihirap ang laging mananaig para maramdaman nilang sila ay may dignidad at sila ay bahagi ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 37,258 total reads

 37,258 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 144,660 total reads

 144,660 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 189,328 total reads

 189,328 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 211,534 total reads

 211,534 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 246,883 total reads

 246,883 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 243,036 total reads

 243,036 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 374,738 total reads

 374,738 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top