Mga tao, binibili para matuloy ang Manila Bay reclamation project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total views

Tila binibili na ng mga negosyanteng proponents ng Manila Bay reclamation projects ang mga taong maaapektuhan nito upang maipagpatuloy ang proyekto.

Ayon kay Lou Arsenio, Ecology Ministry coordinator ng Archdiocese of Manila, binibigyan ng libreng pagkain at t-shirts ang mga tao.

Dagdag ni Arsenio may public hearing din ngayong araw sa Cuneta Astrodome upang pakinggan ang panig ng tao hinggil sa proyekto na sinasabing kinakailangan dahil hindi makakakuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ang mga nais magpatuloy ng reclamation ng lugar.

“Now may public hearing sa Cuneta Astrodome (Pasay City) upang pakinggan ang hinaing ng mga tao tungkol sa proyektong ito, requirement ito para makuha ang ECC, kasamaang palad yung project proponents na gustong mag-reclaim ay namimili na ng mga tao ngayon, nagbibigay ng libreng breakfast libreng t-shirt…”pahayag ni Arsenio sa panayam ng programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas.

Ayon sa ecology ministry ng Arch. of Manila, matagal ng may pag-aaral na delikado ang reclamation gaya sa Mall of Asia (MOA) na unti-unti ng gumuguho ang pundasyon dahil sa malambot na pinagtirikan nito.

Hindi rin aniya totoo na nakatulong ito para maibsan ang epekto ng climate change at maging sa kabuhayan.
Dahil dito, nanawagan si Arsenio sa publiko na suportahan ang mga obispo ng Simbahang Katolika sa kanilang adhikain na matigil ang reclamation sa Manila Bay dahil sa malaking problema na idudulot nito.

“Ang MOA malawak na yan, may problemang liquefaction na diyan, na nanganganib ng dahan dahan naluluwag ang foundation ng lupa sa ilalim, dadagdgan pa nila ng 600 hektarya mula sa Paranaque at Pasay City, kaya panawagan sa mga tao na may malasakit sa kanilang mga apo at anak na makiisa at suportahan ang panawagan ng mga obsipo sa kanilang inilabas na panawagan noong 2013 na pigilan ang reclamation dahil maliwanag na sinasabi ng mga scientist na hindi nakakatulong sa kabuhayan, hindi makakatulong para maibsan ang epekto ng climate change delikado ito sa malaking lindol, 10K hectares ng lupa mula sa Cavite gagawin panambak mula sa San Nicolas shore, kabuhayan ng mga mangingisda diyan apektado.” Ayon pa kay Arsenio.

Sinasabing 26,000 hektarya ang balak i-reclaim sa Manila Bay mula Paranaque City hanggang sa Maynila kung saan nasimula na ito noong itayo ang MOA.

Sa social doctrine of the Church, kinakailangan na ang bawat proyekto ng estado, ang nakararami ang makikinabang at hindi maapektuhan ang natural na kalikasan para lamang sa pag-unlad ng iilan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 50,037 total views

 50,037 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,906 total views

 45,906 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,108 total views

 82,108 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,742 total views

 90,742 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,840 total views

 115,840 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,403 total views

 80,403 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,727 total views

 270,727 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top