Hindi pagkakasundo ng COMELEC commissioners, masamang senyales.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 419 total reads

Hindi makatutulong na makita ng publikong watak-watak at hindi nagkakaisa ang mga kinatawan ng Commission on Elections En Banc.

Dahil dito, nananawagan na si Parish Pastoral Council for Responsible Voting Chairperson Henrietta De Villa na nararapat nang mag-usap ang COMELEC En Banc upang hindi mabulabog at magdulot ng pagkakahati sa buong kumisyon ang kanilang hindi pagkakasundo-sundo.

Giit ni De Villa, dapat na magkaisa ang pitong kinatawan ng COMELEC En Banc sapagkat hindi rin makatutulong para sa imahe ng kumisyon ang tila pagkaka-watak-watak ng mga COMELEC Commissioners.

“Ang hangarin sana ng PPCRV at ang panalangin din, magkaisa sila kasi pangit eh na parang watak-watak ang En Banc it’s not fair for the management of elections at saka dun din sa mga ranked file yung mga Career People ng COMELEC dahil nahahati din sila, nabubulabog din sila kapag ganung hindi nagkakasundo yung En Banc kaya siguro kailangan mag-usap sila, pi-pito lang sila bakit ba naman hindi makapag-usap?” pahayag ni De Villa sa panayam sa Radio Veritas

Kaugnay nito, hati ang opinion ng COMELEC kaugnay sa nakatakdang Barangay Elections sa darating na Oktubre, kung saan iginiit ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na hindi kumakatawan sa buong En Banc ang nauna ng mungkahi ni COMELEC Chairman Andres Bautista na ipagpaliban ang halalang pambarangay ngayong taon.

Binigyang diin ni Bautista na nararapat tupdin ng kumisyon ang nakasaad sa batas na pagsasagawa ng Barangay Elections sa darating na Oktubre.

Batay sa Republic Act No. 7-1-6-6, mandato ng Commission on Election ang pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa malayo sa kaguluhan at karahasan.

Samantala batay sa tala ng NAMFREL umabot sa 81-porsyento ang vote turnout rate noong nakalipas na eleksyon mula sa 54.6 na milyong rehistradong botante na mayrooong ring pagkakataong bumoto para sa Barangay Elections.(Reyn Letran)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 57,062 total reads

 57,062 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 95,313 total reads

 95,313 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 129,441 total reads

 129,441 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 185,847 total reads

 185,847 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 320,789 total reads

 320,789 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 426,874 total reads

 426,874 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top