Cardinal nagpaabot ng panalangin sa mga biktima ng Mindanao quakes.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total reads

Nagpaabot ng panalangin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mamamayan ng Mindanao na apektado ng naganap na lindol.

Aniya, mahalaga ang panalangin para sa katatagan at kaligtasan ng mga biktima ng 6.6 magnitude na lindol na kasalukuyang nakararanas ng trauma partikular ang mga lugar na labis na napinsala.

“Nanawagan kami sa inyong lahat, una, panalangin sa Panginoon sa kaligtasan ng ating mga kapatid na naapektuhan ng lindol,” pahayag ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.

Hiling ng arsobispo sa Diyos na protektahan ang mamamayan ng Mindanao mula sa matitinding pinsala at patuloy na pagyanig bunsod ng mga aftershock.

Umaasa din si Cardinal Tagle na maging bukas ang buong sambayanan sa paglingap sa mga biktima gayundin sa mga gusali at simbahang nasira ng malakas na pagyanig.

“Kapag nanawagan ang mga Dioceses, mga parokya sa lugar na ‘yun, sana ay maging bukas palad tayo sa pagtugon,” ani ng Cardinal.

Batay sa ulat ng PHILVOCS alas 9:04 ng umaga ng yanigin ang ilang lugar sa Mindanao at Visayas kung saan ang sentro nito ay sa Hilagang Silangan ng Tulunan North Cotabato na may lalim na 8 kilometro.

Ayon naman kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nanatili sa labas ng mga tahanan ang mga residente dahil sa pangamba sa maaring pinsala ng lindol kung saan tinatayang limang Simbahan ang naiulat na nasira.

Nanawagan din ng panalangin ang rector ng Our Lady of Mediatrix of All Grace sa kanilang kaligtasan.

Inihayag din ni Father Jun Balatero, rector ng Kidapawan cathedral na bukas ang simbahan sa mga evacuees.

Suspendido na rin ang pasok ng lahat ng mga eskwelahan at tanggapan sa mga apektadong lugar para na rin sa kaligtasan ng lahat.

PANALANGIN

Mapagmahal na Ama, ikaw ang may likha ng lahat nasa iyong kamay ang aming pag-iral nasa iyong kamay ang pag-inog ng mundo

Hinihiling po namin na ang mga kamay mo rin ang magprotekta sa mga kapatid namin na sa oras na ito ay kinakabahan at naapektuhan ng lindol

Magpadala ka rin po mga tao, kapwa tao na may magandang kalooban na handang tumulong, dumamay at manalangin para sa kanila

O Mahal na Ina, ikaw na laging takbuhan ng mga nangangailangan ang iyong pusong maka- Ina, nawa ay kanilang maramdaman lalo na sa oras na ito

Itong panalamgin na ito mapagmahal na Ama ay aming ipinaabot sayo sa ngalan ni Hesus na aming kapatid at Panginoon sa bisa ng Espiritu Santo iisang Diyos magpasawalang hanggan.

Panuorin ang kabuuan ng dasal ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 28,263 total reads

 28,263 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 136,308 total reads

 136,308 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 180,978 total reads

 180,978 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 203,184 total reads

 203,184 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 238,866 total reads

 238,866 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top