Mga isla sa West Philippine Sea, tunay na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,430 total reads

Itinuturing na malaking tagumpay ni Rev.Father Edu Gariguez, Executive secretary ng Caritas Philippines ang inilabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague Netherlands pabor sa isinampang kaso ng Pilipinas laban sa China hinggil sa Maritime Entitlement ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

Inihayag ni Father Gariguez na ang naturang desisyon ay nagpapatibay sa matagal ng isinusulong na karapatan at pagmamay-ari ng Pilipinas sa mga isla sa West Philippine Sea na pinipilit angkinin ng China.

“Sa bahagi natin, sa Simbahan at ganun din sa ating opisina sa paglilingkod sa mas mahihirap, tayo ay natutuwa sa lumabas na desisyon na ito, ibig sabihin hindi na pinag-aagawan kumbaga malinaw na yung desisyon na ito talaga ay pagmamay-ari ng Pilipinas at tayo ay natutuwa at isang malaking tagumpay ito pinasasalamatan din natin yung mga naging bahagi nitong proseso ng ating pagdedipensa ng ating teritoryo at ito’y pangunahin sa mga nakaraang pamahalaan,” pahayag ni Father Gariguez sa Radio Veritas.

Inihayag ng pari na isa rin itong hamon para sa kasalukuyang adminitrasyon upang ipagpatuloy ang nasimulang laban para sa soberenya ng Pilipinas sa kabila nang mga nauna ng pahayag ng China na hindi pagkilala sa naturang desisyon ng International Arbitral Court.

Paliwanag ng Pari, hindi lamang usapin ng soberenya ang isinusulong ng Pilipinas hinggil sa Maritime Entitlement sa West Philippine Sea, kundi maging ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipinong mangingisda na makapaglayag sa karagatang pagmamay-ari ng bansa.

Unang naitala ng National Statistical Coordination Board noong 2009, na ang sektor ng mga mangingisda ang may pinakamataas na poverty rate sa bansa na umabot sa 41.4-na-porsyento habang tinataya namang umaabot sa higit sa 5-trilyong dolyar ang halaga ng kalakal na dumaraan sa naturang karagatan mula sa iba’t ibang bansa kada taon. Samantala, ang pinag-aagawang teritoryo ay saklaw ng 200-nautical miles Exclusive Economic Zone ng Pilipinas batay na rin sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 62,261 total reads

 62,261 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 148,759 total reads

 148,759 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 191,794 total reads

 191,794 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 241,554 total reads

 241,554 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 399,750 total reads

 399,750 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top