Panukalang lockdown ng NCR, tinawag na impractical ng Obispo.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 705 total reads

Panukalang lockdown ng NCR, tinawag na impractical ng Obispo.

Hindi sang-ayon ang Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila sa mungkahing pansamantalang magpatupad ng lock down sa National Capital Region o N-C-R para maiwasang kumalat ang COVID-19.

Sinabi ni Bishop Pabillo na maaring isa itong epektibong paraan na masupil ang pagkalat ng virus subalit ang hakbang ay impractical o hindi naakma sa mga ordinaryong Filipino.

“Pero sa ordinaryong mga tao, paano sila magsu-survive?,”pahayag ni Bishop Pabillo sa programang Pastoral visit on air ng Radio Veritas

Ipinaliwanag ng Obispo na malaking bahagi ng mga manggagawang Filipino na kumikita ng arawan, at umaasa lamang sa kanilang buwanang suweldo ay nasa N-C-R.

“Maganda ang suggestion pero mukhang impractical. Maraming mga tao dito ay survived day-to-day sa pagtinda-tinda. Kapag i-lock down mo yan paano sila kakain,” ayon pa sa obispo.
Unang iminungkahi ng isang mambabatas ang papapatupad ng isang linggong lock down sa Metro Manila dulot ng biglang pagtaas ng bilang ng nagpositibo sa corona virus disease na higit na sa 30 katao.

Kabilang sa mungkahi ang suspensyon sa klase, trabaho, pagsasara ng north at south luzon expressway gayundin sa domestic flights.

Tiniyak naman ng simbahan ang pagsunod at pakikipagtulungan sa panuntunan ng pamahalaan bilang tugon na masupil ang pagkalat ng sakit.

Una na ring naglabas ng pastoral letter si Bishop Pabillo para sa mananampalataya ng Archdiocese of Manila at circular ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang mga karagdagang panuntunan sa pag-iwas sa nakahahawang sakit.

Read: https://www.veritas846.ph/cbcp-circular-on-public-health-emergency-due-to-covid-19
https://www.veritas846.ph/christ-covid19-and-our-faith
https://www.veritas846.ph/maging-mahinahon/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 68,249 total reads

 68,249 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 154,748 total reads

 154,748 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 197,783 total reads

 197,783 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 247,542 total reads

 247,542 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 405,449 total reads

 405,449 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top