Health workers na nangunguna sa paglaban sa COVID-19, ipinagdarasal ng Obispo.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total reads

March 13, 2020, 11:27AM

Ipinapanalangin ng Obispo ng Tagbilaran ang mga health workers na nangunguna sa paglaban sa corona virus disease 2019 sa pamamagitan ng pagbibigay atensiyon sa mga nagtataglay ng naturang sakit sa buong mundo.

Dalangin ni Bishop Alberto Uy ang kalakasan ng pangangatawan at kalusugan ng mga manggagamot, nurse at iba pang kawani ng mga ospital, at quarantine areas na tumutugon sa pangangailangan ng mga pasyente at mga may sintomas ng COVID 19.

“Lord we pray for all health care providers. Please keep them safe, healthy, strong and joyful,” pagbabahagi ni Bishop Uy.

Ilang doktor na rin ang naitalang nasawi sa iba’t ibang bahagi ng mundo dahil sa naturang virus habang daan – daang medical personnel ang sumailalim sa quarantine makaraang makasalamuha ang mga taong nagtataglay ng virus.

Una nang ipinanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa para sa kaligtasan mula sa virus habang patuloy na naghahanap ang mga eksperto ng lunas para sa COVID 19.

Sa Pilipinas tinutugunan din sa iba’t ibang pagamutan ang higit 50 infected kung saan lima na ang nasawi dahil sa komplikasyon habang higit sa pitong daan ang patuloy na inoobserbahan.

Samantala naitala ng World Health Organization na higit sa 130, 000 na ang kaso ng COVID sa isandaang mga bansa halos limang libo dito ang nasawi at halos pitumpong libo naman ang gumaling na mula sa karamdaman.

Nanawagan ang Simbahang Katolika sa bawat mananampalataya na pag-ibayuhin ang pag-iingat at sundin ang panawagan ng mga eksperto upang makaiwas sa naturang sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 66,839 total reads

 66,839 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 153,337 total reads

 153,337 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 196,373 total reads

 196,373 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 246,132 total reads

 246,132 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 404,103 total reads

 404,103 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top