Misa para sa mga kaluluwa ng mga namayapa, inialay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total reads

Nag-alay ng Misa para sa mga kaluluwa ng mga napapaslang sa bansa ang Archdiocese of Manila Public Affairs Ministry.

Ayon kay Rev. Fr. Atilano “Nonong” Fajardo, director ng RCAM Public Affairs Ministry, pinangunahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang Misa na nawa ay matahimik ang mga namayapa na lalo na ang mga napatay sa mga operasyon ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Ayon sa pari, partikular na alay ang Misa lalo na ngayong Year of Mercy and Compassion para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa na hindi nakapagsisi sa kanilang mga kasalanan noong sila ay nabubuhay pa.

Dagdag ni Fr. Fajardo, ang Misa ay paramdam na rin sa mga kaanak ng mga namatay na hindi sila nag—iisa sa kanilang pighati at may Diyos na handang ibigay ang kapatawaran sa lahat.

“Nag-Misa tayo sa pangunguna ni bishop Pabillo para ipanalangain ang lahat ng namayapa lalo na para sa kampaya sa droga, sinasabi natin na ang mga ito ay di binigyan ng pagkakataon na makapagsisi o makahingi ng tawad, lalo na ngayong Year of Mercy and Compassion na sinasabi natin bigyang ng pagasa at pagkakataon ang bawat isa dahil ang Panginoon ay nandiyan lamang para magbigay sa atin ng kapatawaran. Nagpasalamat sila (pamilya), dahil may nananalangin sa mga kaluluwang napaslang, ” pahayag ni Fr. Fajardo sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ipinanalangin din sa Misa ang mga gumagawa ng iba pang krimen gaya ng pagpatay sa kapwa.

“Ang mga taong ito ay humihingi ng panalangin, di natin sinasabi na yung mga gumagawa ng masama at kung sino-sinong pumapatay na ito, kailangan din natin ipagdasal dahil sila rin ang magbabayad sa mga dugong kanilang pinaslang,” ayon pa sa pari.

Ginanap ang Misa sa St. Vincent de Paul Church, Adamson University, San Marcelino Street, Maynila kahapon, ika – 25 ng Hulyo, 2016 kasabay ng unang SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Dumalo sa Misa ang mga kaanak ng mga namatay, mga mamamahayag, mga taong-Simbahan, kabataan, prolife group at iba pang sektor.
Sa sampung utos ng Diyos, ikalima dito ang ‘Huwag Kang Papatay’.

Sa record ng Philippine National Police, mula July 1-21, 2016 halos 300 na ang nasawi dahil sa all-out war ng pamahalaan kontra droga.

Sa SONA kahapon ng Pangulong Duterte, sinabi nitong iimbestigahan at papanagutin ang mga awtoridad na mapatutunayang umaabuso sa kanilang tungkulin lalo na sa mga operasyon kontra droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 2,744 total reads

 2,744 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 34,019 total reads

 34,019 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 113,838 total reads

 113,838 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 208,064 total reads

 208,064 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 268,486 total reads

 268,486 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 205,756 total reads

 205,756 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 350,187 total reads

 350,187 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top