TFDP, suportado ang kampanya kontra droga subalit di ang pamamaraan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 571 total reads

Nakikiisa ang Task Force Detainees of the Philippines sa kasalukuyang administrasyong Duterte sa pagsugpo sa laganap na bentahan at kalakalan ng illegal na droga sa bansa.

Gayunman, iginiit ni Sr. Cresencia Lucero, Chairperson of the Board ng TFDP na hindi katanggap-tanggap ang pamamaraan ng mga otoridad sa kung saan patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa gitna ng mga operasyon ng mga pulis laban sa mga pinaghihinalaang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Paliwanag ni Sr. Lucero, tahasang paglabag sa karapatan ng isang tao at proseso ng batas ang naturang paraan kung saan dapat ring bigyan ng pagkakataon ang mga nasasakdal na dumaan sa tama at legal na proseso ng paglilitis.

“Sinusuportahan naman natin yung fight against drug and criminality dun sa drug, pero yung the way it is done diba, the manner it is executed, eh mahigit limang daan na yung pinapatay. This is against basic fundamental invaluable right to life, maganda yung mga initiatives niya for peace, for the whole country maganda yun, sinusuportahan natin yun,” pahayag ni Sr. Lucero, sa panayam sa Radio Veritas.

Sa pinakahuling tala ng (PNP) Philippine National Police, mula lamang July 1 hanggang 21 ngayong taon ay tinatayang umaabot na sa 245 ang mga namamatay sa gitna ng operasyon ng mga pulis, higit 121, 000 ang kusang sumuko, higit 3,500 ang inaresto habang tinatayang 62,000 bahay ang pinasok sa ilalim na rin ng Oplan Tokhang.

Samantala, nasasaad sa Article III Bill of Rights, Section 1 ng Saligang Batas na hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari-arian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.

Sa social doctrine of the Church, maging ang mga hinihinalang kriminal ay may karapatang magbago na hindi dapat ipagkait ng lipunan at ng estado dahil posibleng maging biyaya din sila sa kanilang kapwa sakaling tuluyan silang magbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 32,661 total reads

 32,661 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 140,376 total reads

 140,376 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 185,046 total reads

 185,046 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 207,252 total reads

 207,252 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 242,796 total reads

 242,796 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top