CBCP, nag-alay ng misa at panalangin sa napatay na Franciscan priest sa France

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 393 total reads

Nag – alay ng panalangin at Banal na Misa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for Pastoral Care for Migrants and Itinerant People sa pagpatay ng dalawang ISIS sa isang Franciscan priest sa northern France.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, magkaroon nawa ng kapayapaan ang kaluluwa ni Rev. Fr. Jacques Hamel.

Gayundin, hiniling ni Bishop Santos na manatili ang kapayapaan sa Europa at ibang panig ng mundo na may banta ng terorismo at magbago na rin ang mga taong nagbabalak ng masama.

“Ipinagdarasal natin at ipinagmisa natin ang kapayapaan ng kaluluwa ni Fr. Hamel. Atin ring isinama sa panalangin ang kaligtasan ng mga taong naroroon at kapayapaan sa lugar at pagbabago ng puso at ng isipan ng mga tao pa na nagbabalak at mayroong makarahasang pag – iisip at balakin sa ating mga kapatid doon sa France,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Kinilala naman ni Bishop Santos ang nauna nang pakikidalamhati ni Pope Francis sa Archdiocese of Rouen, France na mapabilang si Fr. Hamil sa mga martir ng simbahan na nag – sakripisyo ng kanyang buhay para sa kanilang kapwa at pananampalataya.

“Ipinakikita rito na kung saan pari lalo na kay Fr. Hamel na siya talaga ay nagsasabuhay at kanyang binuhay ang aral ni Hesus na pag – aalay ng sarili para sa kapwa. Pag – aalay ng sarili para sa pananampalataya, nagsasabuhay ng mga aral ni Hesus,” sambit pa ng obispo sa Radyo Veritas.

Nabatid na ngayong taong 2016 tinatayang 13 pag – atake na ng grupong ISIS ang naitala sa iba’t ibang panig ng Europa.

Dumarami na rin ang bilang ng mga miyembro ng ISIS na halos 1,200 na batay sa datos na inilabas ng The International Centre of Study of Radicalisation and Political Violence.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 47,769 total reads

 47,769 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 134,270 total reads

 134,270 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 177,307 total reads

 177,307 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,066 total reads

 227,066 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,152 total reads

 386,152 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 330,534 total reads

 330,534 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 436,619 total reads

 436,619 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top