Rehab program sa mga apektado ng COVID-19, sisimulan na ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 620 total reads

June 11, 2020-10:57am

Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mamamayan lalu na ang mga may kakayanan na patuloy na suportahan ang kampanya ng social arm ng simbahan ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual-executive director ng Caritas Manila patuloy pa rin ang kanilang relief operation sa mga nangangailangan dulot ng lockdown na nagsimula pa noong Marso.

Giit ng pari, bukod sa relief operations mahalagang paghandaan na rin ngayon ang rehabilitation stage dahil na rin sa dami ng bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho.

“Basically, kasi nasa relief pa tayo, but we are trying to move to rehabilitation also. Basically, ang kailangan dyan ay yung back to school ng mga bata, kailangan na ipagpatuloy ang pag-aaral kaya ang problema dito ang mga gadgets nila alam Naaman natin ano mukang 19 percent lang ng mga bata according to statistics ang may access sa internet mga estudyante,” ayon kay Fr. Pascual ng Caritas Manila.

Dagdag pa rito ayon kay Fr. Pascual ang inaasahang pagbubukas ng klase ng mga mag-aaral sa buwan ng Agosto base na rin sa pahayag ng Department of Education.

Sa tala, aabot sa 70-libong manggagawa ang nawalan ng trabaho dulot ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa kung saan may dalawang libong kompanya ang magsasara ng operasyon.

Paliwanag ni Fr. Pascual sa kasalukuyan ay pinapalakas na ng simbahan ang micro-finance at kooperatiba bilang pangmatagalang tugon sa kahirapan ng mamamayan.

“Mahalaga ang livelihood, mga micro-finance ng simbahan ang Caritas Labora-workers cooperative pinapalakas natin para makapaghanap tayo ng trabaho sa mga mawawalan ng trabaho at itong micro-finance natin na kooperatiba,” ayon kay Fr. Pascual.

P1.7 BILLION DONATIONS

Umaabot na sa P1.7 bilyon ang kabuuang donasyon na natatanggap ng Caritas Manila para sa mga labis na naapektuhan ng krisis na dulot ng pandemya.

Ayon kay Fr. Pascual, ito ay ginamit sa tuloy-tuloy na relief operation sa mga nangangailangan dulot na rin ng umiiral na lockdown policy simula pa noong marso.

“Nagpapasalamat tayo sa ating mga benefactors both in-cash and in-kind na nagtiwala sa atin almost mga 1.7 billion na tayo ang ating naipamagi since March,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Paliwanag ng pari, kabilang sa mga naging benepisyaryo ng mga gift certificate, food packs at medical kits ang urban poor families sa Mega Manila, mga walang tahanan, manggawa at estudyante na inabutan ng lockdown gayundin ang mga frontliners tulad ng mga medical workers at service providers.

Dagdag pa rito ayon kay Fr. Pascual ang pag-alalay din sa may 25 diyosesis ng bansa upang makapagbigay ng tulong sa kanilang nasasakupan sanhi pa rin ng banta ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 84,613 total reads

 84,613 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 178,751 total reads

 178,751 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 223,019 total reads

 223,019 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 246,128 total reads

 246,128 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 317,446 total reads

 317,446 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top