Manindigan sa katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 481 total views

June 17, 2020, 9:58AM

Ito ang panawagan ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa mamamayan kaugnay sa Anti-Terrorism Act of 2020 na lagda na lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para ganap na maging batas.

Ayon sa obispo, kinakailangang manindigan ang bawat isa na ipagtanggol ang karapatan lalu na sa pamamahayag ng katotohanan na maalis kapag maipatupad ang tinaguriang “terror act”.

“Manindigan tayo sa katotohanan. Hindi manindigan sa kaninong tao. Kung tama ang kaniyang ginagawa sumunod tayo, kung mali na ang kanilang sinasabi, sabihin natin na mali na ‘yan. Manindigan tayo sa katotohanan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa programang Pastoral Visit on-air sa Radio Veritas.

Iginiit ng obispo na bagama’t hindi pa ganap na batas ay ilang mga institusyon na at indibidwal ang inuusig dahil sa pagiging kritiko ng administrasyon kabilang na ang ABS-CBN, Philippine Daily Inquirer at ang hatol na guilty kay Rappler CEO Maria Ressa.

Inihayag ni Bishop Pabillo na hindi dapat manahimik ang taongbayan lalu na ang simbahan mula sa paniniil na maaring mas maging mapanganib sa oras na maisabatas ang panukala.

“Kaya tayong mga tao dapat magsalita ‘yan ay bahagi ng demokrasya. Kasi ang demokrasya ay ruled by the people not ruled by a group. By the people,” ayon kay Bishop Pabillo.

Hinimok ng opisyal ng simbahang katolika ang mamamayan na ipahayag ang kanilang pagtutol sa anti-terror bill sa social media.

Nangangamba ang obispo na ang panukala ay hindi isang solusyon laban sa terorismo kundi maaring magamit sa pagmamalabis at karapatan sa pamamahayag ng katotohanan.

Nanawagan ang obispo sa mamamayan na maging mapagbantay at alamin ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa at makialam sa mga usaping panlipunan.

“Hindi dapat magpabaya. Educate ourselves. Tapos kapag na-educate ang ating sarili ay magsalita sa ating nadiskubre. Magsalita hindi lamang manahimik at magkaisa tayo. Hindi mo masasabi na wala ng pag-asa kasi kapag nagsasalita ang bayan. Bandang huli ang magwawagi ay ang bayan, hindi naman ang namumuno. Kasi ang namumuno ay dapat sumunod sa bayan,” dagdag pa ng obispo.

Pinayuhan ng obispo ang mamamayan na ipaalam sa mga pinuno ng gobyerno ang mga pagpuna sa kanilang maling pamamalakad.

Naniniwala si Bishop Pabillo na sa paninindigan ng mamamayan ay magwawagi ang buong bayan.

Bukod sa mga obispo ng simbahan, naglabas din ng pahayag nang pagtutol sa anti-terror bill ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines, ang bikaryato ng St. Peter and Paul at San Fernando de Dilao na kapwa mula sa Archdiocese ng Manila at mga Catholic school sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 63,607 total views

 63,607 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 188,018 total views

 188,018 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 229,913 total views

 229,912 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 306,746 total views

 306,745 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 15,671 total views

 15,671 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top