CPP-NPA-NDF, nararapat magdeklara ng unilateral ceasefire

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 412 total reads

Nararapat magdeklara ng tigil putukan ang kampo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) upang maging tunay na makabuluhan ang pagsisimula ng peace talks.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity, magkakaroon lamang ng positibong resulta ang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo kung makakapag-usap at tunay na makikipagtulungan ang magkabilang kampo at dadaanin sa payapa ang proseso.

“Inaantay natin ang sagot ng CPP-NPA, ano yung kanilang response sa Unilateral na pag-Ceasefire ng gobyerno, sana maging generous din ang kanilang response mag-response sila para at least hindi na magkaroon ng away habang nag-ne-negotiation sila, mag-ceasefire din sila para mas maging maayos ang kanilang dialogue…”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Matapos bawiin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang unang idineklarang “unilateral ceasefire” dahil sa labanan sa pagitan ng grupong New People’s Army at AFP-Civilian Auxiliary sa Davao del Norte, inaasahang ipagpapatuloy pa rin ng pamahalaan ang nakatakdang peace talks sa ika-20 ng Agosto sa Oslo, Norway kung saan inaasahan na rin ang pagdideklara ng NDF ng Unilateral Ceasefire.

Bukod sa tigil putukan, inaasahan rin ang pagpapalaya sa mga political prisoners na batay sa tala ng Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights) mula sa pinakahuling tala noong ika-31 ng Mayo ay 297 mula sa 509 na political prisoners ang ilegal na inaresto sa ilalim ng Administrasyong Aquino.

Sa nasabing bilang, 18 ang naitalang mga peace consultants ng NDFP, 88 ang may karamdaman, 48 naman ang mga matatanda habang tinatayang nasa 74 na mga detainees naman sa buong bansa ay nananatiling walang hatol sa loob ng higit na 10-taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 12,409 total reads

 12,409 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 54,071 total reads

 54,071 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 160,948 total reads

 160,948 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 205,614 total reads

 205,614 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 227,292 total reads

 227,292 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top