Honest law enforcement at incorruptible penal system, tugon sa krimen hindi death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 658 total views

July 28, 2020, 1:32PM

Naninindigan ang mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi tugon sa kriminalidad ang pagsusulong ng parusang kamatayan sa bansa.

Sa pahayag ni Veritasan Anchor-priest Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, iginiit nitong ang maayos na pagpatupad ng mga batas at maayos na sistemang pangkatarungan ang nararapat na isulong sa pagsugpo ng krimen sa bansa.

“It is my belief that death penalty in any form does not deter crimes. It is an honest-to-goodness law enforcement, certainty of conviction and incorrupted penal system that will help the government curb criminality,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Sa ikalimang pag-uulat sa bayan ng Pangulong Rodrigo Duterte kabilang sa natalakay ng punong ehekutibo ang apela sa kongreso na muling isabatas ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga mahuhuling lalabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa hiwalay na panayam kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, iginiit nitong hindi mababago ang panindigan ng simbahan laban sa death penalty sapagkat isinusulong at itinataguyod ng simbahan ang kasagraduhan ng buhay ng tao sa kabila ng pagiging makasalanan.

“Definitely, we continue to oppose death penalty, tayo sa simbahan is consistent na the right to life is inviolable,” ayon sa obispo.

Ibinahagi pa ni Bishop Alminaza na tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na may isusulong itong panukala bilang alternatibo sa parusang kamatayan.

Nilinaw naman ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias sa kanyang Pastoral visit on air sa Radio Veritas na ang “CHRISTIAN LIFE IS A CONSTANT BATTLE”.

Tiniyak ni Bishop Lavarias na ang pagbibigay proteksyon sa buhay ay matatag na commitment ng simbahan.
Iginiit naman ng Kanyang Kabanalan Francisco na hindi katanggap-tanggap ang pagpapataw ng death penalty sa mga nagkasala sa batas.

Sa datos ng World Coalition Against the Death Penalty, umaabot na sa 107-bansa ang nagbuwag ng parusang kamatayan kabilang na ang Pilipinas noong 2006 sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 47,417 total views

 47,417 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 75,422 total views

 75,421 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 93,222 total views

 93,222 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 91,206 total views

 91,206 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 200,070 total views

 200,069 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top