Pangulong Duterte, “out of touch”!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 787 total reads

July 29, 2020, 3:00PM

Inihayag ng tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila na taliwas ang mga inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-uulat sa bayan sa panawagan ng mamamayan.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, hindi natugunan ng punong ehekutibo ang pangangailangan ng mga Filipino lalo na’t nahaharap sa matinding krisis ang bansa bunsod ng corona virus pandemic.

Dismayado ang obispo sapagkat walang malinaw na tugon ang pinuno ng bansa sa paglutas sa mga suliraning kinakaharap ng mamamayan tulad ng kawalan ng trabaho, kagutuman, at maging ang mass testing.

“He is out of touch; ang mga sinusulong niya ay salungat sa hinihingi ng tao,’ pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.
Bagamat nabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA ang usapin ng COVID-19 pandemic, bigo itong ilahad sa publiko ang mga konkretong hakbang ng pamahalaan para matulungan ang mamamayan sa epekto ng pandemya lalo’t higit ang humihinang ekonomiya ng bansa.

Sa halip na tutukan ang kasalukuyang krisis, binibigyang pansin ng pangulo ang iba pang usapin tulad na lamang ng pagbuhay sa parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga mahuhuling lalabag sa Dangerous Drug Act of 2002.

“This is another issue that we have fight against,” giit ni Bishop Pabillo.

Unang sinabi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na bigo ang Pangulong Duterte na pagkaisahin ang mamamayang Filipino sa kanyang SONA para sama-samang babangon mula sa epekto ng pandemya.

Muling iginiit ng simbahang katolika ang paninindigan laban sa death penalty sapagkat ito ay nakalalabag sa utos ng Panginoon at pagpapakita ng kawalan ng paggalang sa karapatang mabuhay ng isang tao.

Read: https://www.veritas846.ph/pangulong-duterte-sinayang-ang-oras-sa-sona/
https://www.veritas846.ph/humble-president-duterte-nais-makita-ng-sambayanang-filipino-sa-sona/

UNDAS 2026, generally peaceful

 17,015 total reads

 17,015 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 30,617 total reads

 30,617 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 80,369 total reads

 80,369 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 239,562 total reads

 239,562 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 266,723 total reads

 266,723 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 299,562 total reads

 299,562 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top