Pontificio Collegio Filipino sa Roma, COVID free sa kasalukuyan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 591 total reads

Nagsisimula nang bumalik ang mga trabaho at turista sa Roma, Italya sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino na itinalaga ng Italian Bishops na coordinator ng Pastoral Care of Overseas Filipino Workers sa Italy, balik trabaho na maging ang mga Filipino gayundin ang pagsisimula ng klase.

“At ang mga Filipino naman dito at least nakakapagtrabaho na rin, nakakabalik na sa trabaho sa mga employer nila so patuloy na rin hindi kagaya noon na mas madali ngayon nag-iingat pa rin lahat,” ayon kay Fr. Gaston.

Ito ay sa kabila ng pagtatala ng pinakaraming bagong kaso ng coronavirus sa Roma na umabot sa 141- na ini-uugnay sa pagbabalik bansa ng mga nagbakasyong Italyano noong Hulyo hanggang Setyembre.

“Siguro huwag lang tayong matakot, kundi mag-ingat tayo. Paggamit ng facemask, pag nasa labas tayo o di kaya yung social distancing na tinatawag na medyo magkalayo ng kaunti at ingat din sa medyo enclosed na sitwasyon sa mga bus, public area basta ingat lang tayo at ang paghuhugas ng kamay madalas,” dagdag pa ng pari.

Sa pag-iral ng new normal ay patuloy ang pag-iingat ng lahat laban sa sakit sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask at pag-aagwat ng distansya lalu na sa mga matataong lugar.

Tiniyak naman ni Fr. Gaston na nanatiling ligtas ang mga pari sa Pontificio Collegio Filipino mula sa nakakahawang sakit.

“Salamat din sa inyong dasal para dito sa collegio filipino okay kami lahat dito walang nagkakasakit at sa tulong at awa ng panginoon at sa inyong dasal din ay makapagsimula ng bagong taon ng school year itong August,” dagdag pa ni Fr. Gaston.

Una na ring nagpositibo sa virus ang kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle nang dumating ito sa bansa noong ika-11 Setyembre na ngayon ay nasa ika-12 araw na ng kanyang mandatory quarantine.

Si Cardinal Tagle-ang Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples na nakabase sa Vatican ay naninirahan sa Pontificio Collegio Filipino kasama ang higit sa 30 mga Filipinong pari na nag-aaral sa Roma.

Magugunitang matapos magpositibo sa COVID-19 si Cardinal Tagle ng dumating sa Pilipinas ay isinailalim sa swab test ang lahat ng pari at kawani ng Pontificio Collegio Filipino na naging negatibo sa pagsusuri.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,140 total reads

 54,140 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,636 total reads

 140,636 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,673 total reads

 183,673 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,432 total reads

 233,432 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,089 total reads

 392,089 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top