Maigsing curfew hours para sa tradisyunal na Misa de Gallo at Simbang gabi, pinayagan ng LGUs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,140 total reads

Nagagalak at nagpasalamat ang Arkidiyosesis ng Maynila sa pasya ng mga alkalde ng Metro Manila na ibaba ang oras ng curfew upang bigyang daan ang tradisyunal na misa de gallo at Simbang gabi.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, ito rin ay resulta sa pakikipag-ugnayan ng simbahang katolika sa LGUs partikular sa Manila.

“Natutuwa tayo for this consideration. Bahagi na ito ng pinag-uusapan namin ni Yorme [Mayor Isko Domagoso] a month ago,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Batay sa anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na gawing alas-dose hanggang alas-tres ng madaling araw ang curfew hours.

Ito ay upang bigyang daan ang mananampalataya na makadalo sa Simbang Gabi at Misa de Gallo, ang siyam na araw na paghahanda sa kapanganakan ni Hesukristo.

Ipatutupad ang revised curfew hours sa unang araw ng Disyembre batay na rin sa napagkasunduan.

Naunang nagpasa ng ordinansa ang lungsod ng Maynila noong Oktubre na hanggang alas tres ng umaga na lamang ang curfew bilang tugon sa kahilingan ng simbahan.

Ipinag-utos na rin ng arkidiyosesis sa mga nasasakupang simbahan na magdagdag ng oras ng mga misa sa simbang gabi at misa de gallo upang mabigyang pagkakataon ang iba pang mananampalataya na makadalo ng banal na misa.

Sa kasalukuyan ay nasa 30 porsyento pa rin ang pinapayagang makadadalo sa mga pagtitipon sa simbahan alinsunod sa panuntunan ng general community quarantine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,524 total reads

 56,524 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 143,020 total reads

 143,020 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 186,057 total reads

 186,057 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,816 total reads

 235,816 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,332 total reads

 394,332 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top