Perjury case laban kay Alyas Bikoy, nararapat-Bishop Bacani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 752 total views

Ikinatuwa ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. ang kasong perjury na isinampa laban kay Peter Joemel “Bikoy” Advincula.

Hangad ni Bishop Bacani na kabilang sa pinangalanan ni alyas Bikoy na bahagi sa Project Sodoma o pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte na malaman ang mga taong nasa likod ni Advincula na nagpapalaganap ng kasinungalingan.

“Natuwa ako at may nag-file ng perjury case kay Bikoy; nais ko sana mapalitaw kung sino ang nasa likod ni Bikoy, sino ang nagbayad o nagsulsol sa kanya para magsinungaling at paratangan kami,” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.



Una ng nagpalabas ng warrant of arrest ang Manila Metropolitan Trial Court laban kay Advincula dahil sa kasong ‘perjury’ na inihain nina Atty. Jose Manuel Diokno, Lorenzo Tañada III at Theodore Te na pawing mga kasapi ng Free Legal Assistance Group (FLAG).

Sa pahayag naman ni Justice Assistant State Prosecutor Ferdinand Fernandez sinabi nitong malinaw na kasinungalingan ang mga pahayag ni Advincula sa alegasyong Project Sodoma na isinagawa sa Ateneo de Manila University sapagkat ang binanggit na araw ay ginanap din ang “The Leader I Want Senatorial Forum.”

Ayon pa kay Bishop Bacani, dapat panagutan ni alyas Bikoy ang kanyang pagsisinungaling sa publiko at mabigyang katarungan ang mga personalidad na idinadawit sa kasong inciting to sedition, sedition at iba pa na isinampa ng PNP-CIDG batay sa mga pahayag ni Advincula subalit ipinawalang bisa ito ng DOJ noong Pebrero 2020.

“Dapat talaga panagutan ni Bikoy ang pagsisinungaling niya kasi under oath yung mga sinabi niya,” giit ni Bishop Bacani.

Bukod kay Bishop Bacani, kabilang din sa sinampahan ng kaso noon sina Bishop Pablo Virgilio David, Bishop Honesto Ongtioco, Archbishop Socrates Villegas, ang mga paring sina Fr. Flaviano Villanueva, SVD, Fr. Albert Alejo, SJ at Fr. Robert Reyes.

Sinampahan din sina Vice President Leni Robredo at ilang personalidad ng oposisyon at mga human rights advocates.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 125,611 total views

 125,611 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 155,833 total views

 155,833 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 182,481 total views

 182,481 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 277,454 total views

 277,454 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 290,353 total views

 290,353 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top