Sa kabila ng paglapastangan sa 2-Kapilya; Obispo ng Basilan, naniwalang makakamtan ang kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 796 total reads

Nanawagan ng patuloy na pagkakaisa ang Prelatura ng Isabela de Basilan upang higit na matamasa ang kapayapaan sa lalawigan. Ito ang mensahe ni Bishop Leo Dalmao kaugnay sa paglapastangan sa dalawang kapilya sa Lamitan City noong Pebrero 17, kasabay ng paggunita ng ‘Miyercoles de Ceniza’.

Ayon sa obispo, lalo ngayong panahon ng kuwaresma nawa’y umiral ang pagkakapatiran sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya nang hindi masayang ang hakbang ng mga pinuno tungo sa pagbubuklod-buklod.

“Focus pa rin tayo sa unity ng ating lugar; we should be very careful about this not to destroy the efforts of the people, ng mga lider ng ating simbahan, civil society, at pamahalaan na ituloy yung adhikain ng pagkakaisa at kapayapaan,” pahayag ni Bishop Dalmao sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Dalmao, ilang imahe ng santo sa San Isidro Labrador chapel sa Sta. Clara, Lamitan City ang natagpuang putol ang mga ulo sa paligid ng kapilya.

Dalawang katao naman ang pumasok sa San Antonio De Padua chapel sa Little Cebu sa kaparehong lungsod at kinuha ang mga santo bagama’t napigilan ito ng mga residente.

Hinikayat naman ng obispo ang mananampalataya sa mga nabanggit na lugar na bigyang pansin at pangalagaan ang bahay dalanginan kasabay ng pagtiyak na muling pagdalaw sa mga kapilya.

Naniniwala ang obispo na mas higit na marami sa mamamayan ng Basilan ang nagsusumikap na mapaganda ang imahe ng lugar.

“I’m sure na marami ang nagsusumikap na baguhin at pagandahin ang samahan sa lalawigan ng Basilan,” ani Bishop Dalmao. Hamon ng obispo sa bawat mananamapalataya na patuloy ipanalangin ang bawat isa tungo sa kapayapaan lalo ngayong ginugunita ng simbahan ang pagsasakripisyo ni Hesus alang-alang sa katubusan ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 4,470 total reads

 4,470 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,971 total reads

 40,971 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 97,377 total reads

 97,377 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,832 total reads

 220,832 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top