Suriin ang sarili ngayong Kuwaresma, panawagan ng CBCP sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,995 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth sa mga kabataan na pansamantalang huminto sa maraming gawain at suriin ang sarili ngayong panahon ng Kuwaresma.

Ayon kay Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng kumisyon, isang magandang oportunidad ang panahon ng Kuwaresma upang higit na magnilay at suriin ang sarili bilang paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus para iligtas ang sanlibutan mula sa kasalanan.

Ipinaliwanag ng Obispo na magandang pagkakataon rin ang panahon ng nagsimula sa pamamagitan ng Miyerkules ng Abo upang muling magbalik loob ang lahat at higit pang patatagin ang pananampalataya sa Panginoon.

“Yung message ko para sa youth is of course parang to stop, to pause of course siyempre marami tayong pinagkakaabalahan, hindi lang sa mga kabataan but we are busy with many other things, with concerns but Lent specially (as it starts) with Ash Wednesday this is an opportunity to stop and to examine ourselves…”pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo na mahalagang isantabi muna ng bawat isa partikular na ng mga kabataan ang mga makamundo at panandaliang bagay upang ganap na masuri ang sarili at mapagnilayan ang walang kupas na pagmamahal ng Panginoon sa sangkatauhan.

Ibinahagi din ni Bishop Alarcon na isang magandang pagkakataon ang panahon ng Kuwaresma upang mapanariwa ang angking kabutihan at kabanalan ng bawat isa tulad ng pagiging mabuti, magalang, mapagbigay, matapat at matulungin lalo na sa mga nangangailangan.

“To examine ourselves beyond things that are mga bagay na madaling lumilipas, of course syempre the youth are interested in KPOP, ML, Tik-Tok, Netflix, Instagram but to go beyond this. When you say go beyond this is to give time to reflect on things that are lasting and it’s an invitation to go back to virtue. When we say virtue, go back to kindness yung mga tinuturo natin sa maliliit na bata kindness, respect, sharing, helping others, being honest, concern for others, care for our family member because these things they last…” pahayag ni Bishop Alarcon.

Bahagi ng mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco ngayong Kuwaresma ang higit na pagpapasigla sa pananampalataya at pagkakawanggawa sa mga nangangailangan na isa ring mahalagang tugon sa gitna ng patuloy na pagharap ng daigdig sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 4,445 total reads

 4,445 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,953 total reads

 40,953 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 97,359 total reads

 97,359 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,814 total reads

 220,814 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top