Mananampalataya, inaanyayahan sa Walk for Life 2021

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 602 total reads

Tiniyak ng Commission on Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang patuloy na paninindigan ng simbahan sa kasagraduhan ng buhay.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, hindi mababago ang paninindigan ng simbahan laban sa DEATH bills na isinusulong sa kongreso.

“Tuloy pa rin ang paninindigan ng simbahan para sa kahalagahan ng buhay ng tao; tutulan pa rin natin ang mga panukalang batas na makasisira sa buhay,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Kabilang sa DEATH Bills na tinututulan ng simbahan ang Divorce, Euthanasia, Abortion, Total Reproductive Health, Homosexuality (same sex marriage) at ang pagbabalik ng death penalty.

Dahil dito, inaanyayahan ng obispo ang mananampalataya na makiisa sa isasagawang ikalimang Walk for Life ngayong taon na gagawin online dahil na rin sa mga limitasyong dulot ng community quarantine.

Ayon kay Bishop Pabillo, natatangi ang pagdiriwang ngayong taon sapagkat itatampok ang ‘Dance for Life’ katuwang ang National Commission on Culture and the Arts National Committee on Dance.

Itatanghal sa pagsasayaw ang mayamang kultura at katatagan ng mga Filipino sa paglipas ng panahon na sinubok ng iba’t ibang hamon.

Paksa sa Walk for Life ngayong taon ang ‘Celebrate as One in 2021’ bilang pagkilala sa biyaya ng pananampalataya na tinanggap ng mga Filipino limandaang taon ang nakalipas.

“Inaanyayahan ko kayo na makiisa sa ating Walk for Life ngayong taon sa online,” ani Bishop Pabillo.

Matutunghayan ang Walk for Life Celebration of Life through Dance sa facebook page ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, CBCP, Santissimo Rosario UST, NCCA Official at Dance Exchange Philippines sa Pebrero 20 mulas alas dos ng hapon.

Isang misa naman ang pangungunahan ni Bishop Pabillo alas kuwatro ng hapon na gaganapin sa Santisimo Rosario Parish sa UST na matutunghayan din sa online

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 4,361 total reads

 4,361 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,885 total reads

 40,885 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 97,291 total reads

 97,291 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,747 total reads

 220,747 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top