Paglapastangan sa 2-kapilya sa Prelatura ng Isabela de Basilan, kinundina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 556 total views

Kinundina ng Aid to the Church in Need ang naganap na paglapastangan sa dalawang kapilya ng Prelatura ng Isabela de Basilan noong ika-17 ng Pebrero.

Ayon kay ACN Philippines National Director Jonathan Luciano, nakalulungkot ang naganap na insidente sa Lamitan City, Basilan lalo na’t naganap ito sa mismong araw ng Miyerkules ng Abo na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Ibinahagi ni Luciano na isa ang Prelatura ng Isabela de Basilan sa mga katuwang ng A-C-N Philippines sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa rehiyon ng Mindanao sa pamamagitan ng mga gawaing pastoral at pakikipagdayalogo sa iba’t ibang mga relihiyon at denominasyon.

“We are quite distressed with the news of vandalism that happened in 2 barangay chapels in the Prelature of Basilan especially it happened on a very holy day for us Catholics. We have been partners with the prelature for a long time and we have been supporting their evangelization and pastoral efforts especially dialogue with other religions.”pahayag ni Luciano sa panayam sa Radio Veritas.

Umaasa naman ang A-C-N Philippines na higit na manaig ang pagmamahalan, pag-uunawaan at pagkakaisa lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma upang hindi na muling maulit pa ang naganap na insidente.

Ipinapanalangin din ni Luciano na hipuin ng Panginoon ang puso ng mga salarin upang manaig sa kanilang buhay ang pag-ibig, kapayapaan at paggalang sa paniniwala at pananampalataya ng kapwa.

“We pray for love, understanding and tolerance especially in this season of Lent and that this incident will not happen again. May the Lord touch the hearts of the perpetrators. And we pray for love and peace to prevail.” Dagdag pa ni Luciano.

Samantala, nanawagan naman ng patuloy na pagkakaisa si Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Leo Dalmao upang sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga pananampalataya at pananw ay manaig ang pagkakasundo at pagkakapatiran.

Read: https://www.veritas846.ph/sa-kabila-ng-paglapastangan-sa-2-kapilya-obispo-ng-basilan-naniwalang-makakamtan-ang-kapayapaan/

Ika-17 ng Pebrero ng matuklasan ng mga mananampalataya ang mga sirang imahen ng mga santo sa San Isidro Labrador chapel sa Sta. Clara, Lamitan City at San Antonio De Padua chapel sa Little Cebu, Barangay Maganda, Lamitan City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 52,129 total views

 52,129 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,998 total views

 47,998 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 84,200 total views

 84,200 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 92,772 total views

 92,772 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 117,703 total views

 117,703 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top