Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, inaanyayahan ng ACN na makibahagi sa “Easter recollection concert”

SHARE THE TRUTH

 397 total views

Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need Philippines ang bawat mananampalataya na makibahagi sa Easter Recollection Concert bilang patuloy na paggunita sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Ayon kay ACN Philippines National Director Jonathan Luciano tampok sa nakatakdang ACN prayer concert ang mga never before released music at composition ng National Artist na si Mr. Ryan Cayabyab, Philippine Madrigal Singers at ni Ms. Jaime Rivera.

Tampok rin sa nasabing konsyerto ang mga pagninilay ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na siyang Pangulo ng ACN Philippines kaugnay kay San Jose na malaki at mahalaga ang papel na ginampanan para sa pagsasakatuparan ng pangakong kaligtasan ng Panginoon sa sangkatauhan.

“The ACN prayer concert is our Easter recollection for all. It is a collaboration between Abp Soc Villegas and Prof. Ryan Cayabyab. Abp Soc will reflect on the joys of St. Joseph and Mr. C will play reflection music after each talk. We also invited the Philippine Madrigal singers to perform as well as Ms. Jamie Rivera.” Ang bahagi ng pahayag ni ACN Philippines National Director Jonathan Luciano sa panayam sa Radio Veritas.



Ipinaliwanag ni Luciano magsisilbi rin itong fundraising concert ng Aid to the Church in Need Philippines kung saan ilalaan ang malilikom na pondo para sa mga Kristiyanong dumaranas ng pag-uusig at mga naghihirap na Simbahan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Umaasa naman si Luciano na ganap na nakapaghatid ang Pasko ng Muling pagkabuhay ni Hesus ng bagong sigla sa bawat isa upang higit na magkaroon ng pagnanais na magkaisa bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng ebanghelisasyon lalo na sa mga lugar na minorya lamang ang mga Kristiyano.

“This is a fundraising concert to help persecuted Christians around the world. We would like to invite everyone to watch the concert and help us in extending support to our suffering brethren. May the joy that Easter brings inspire us to continue being in solidarity with the suffering Church.” Dagdag pa ni Luciano.

Nakatakda ang nasabing ACN prayer concert na may titulong “Jesus, Joseph, Joy: A Prayer Concert with Father Soc and Prof. Ryan Cayabyab” sa ika-10 ng Abril araw ng Sabado, ganap na alas-otso ng gabi.

Maaari namang makibahagi sa nasabing konsyerto sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook page ng ACN – Aid to the Church in Need.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 23,744 total views

 23,744 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 34,908 total views

 34,908 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 71,183 total views

 71,183 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 88,985 total views

 88,985 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567