WHO, nagpaalala sa side effect ng COVID 19 vaccine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 444 total reads

Muling ipinaalala ng World Health Organization ang maaaring maging side effects ng COVID-19 vaccine sa katawan ng tao kapag natanggap ang bakuna.

Ayon sa WHO, saglit lamang nararamdaman ang side effects, ngunit kapag ito’y lumala makalipas ang 24 na oras o nagpatuloy pa, agad na magpakonsulta sa doktor upang agad itong maagapan.

Maaaring maramdaman pagkatapos na mabakunahan ang pagkapagod at pananakit ng ulo, lagnat, panginginig, at pagkirot o pamamaga sa bahagi ng braso kung saan binakunahan.

Makakatulong naman upang maibsan ang mga sintomas na ito sa pag-inom ng Paracetamol, Ibuprofen, Aspirin at Antihistamines, ngunit mas makabubuting magpakonsulta muna sa eksperto bago uminom nito.

Gayunman, paulit-ulit pa ring ipinapaalala sa publiko na bagamat nabakunahan na, mahalaga pa rin ang mahigpit na pagsunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, physical at social distancing, at paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol o sanitizer bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Batay sa huling tala, umabot na sa halos pitong milyong doses na ng vaccine ang naipamahagi sa buong bansa, higit pang malayo sa inaasahang herd immunity na layong mabakunahan ang nasa 50-milyon hanggang 70-milyong indibidwal sa katapusan ng taon.

Patuloy namang panawagan ng pamahalaan na magpabakuna na ang lahat bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Nakikipagtulungan din ang Simbahang Katolika sa vaccination program ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapagamit sa mga pasilidad ng mga simbahan bilang vaccination sites, gayundin ang pagsasagawa ng information dissemination hinggil sa COVID-19 vaccine upang mapaigting ang vaccine confidence ng publiko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 88,529 total reads

 88,529 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 182,559 total reads

 182,559 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 226,827 total reads

 226,827 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 249,936 total reads

 249,936 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 321,082 total reads

 321,082 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,134 total reads

 147,134 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top