Suicide, nangungunang cause of death sa buong mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 948 total reads

Nananatili ang “suicide” o pagpapatiwakal bilang isa sa nangungunang dahilan ng pagkasawi sa buong mundo kaysa mga sakit na HIV, malaria, breast cancer, pagkamatay dulot ng krimen at digmaan.

Napag-alaman sa pagsusuri ng World Health Organization na may temang “Suicide worldwide in 2019”, umabot sa higit 700,000-katao o isa sa bawat 100-indibidwal sa buong mundo ang naitalang nasasawi noong taong 2019 bunsod ng pagpapatiwakal.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na dapat mas paigtingin pa ang pagbibigay-pansin upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapatiwakal sa buong mundo lalo na’t isa rin sa dahilan nito ang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

“We cannot – and must not – ignore suicide. Our attention to suicide prevention is even more important now, after many months living with the Covid-19 pandemic, with many of the risk factors for suicide – job loss, financial stress and social isolation – still very much present,” ayon kay Ghebreyesus.

Samantala, dito sa Pilipinas, naitala ng National Center for Mental Health (NCMH) ang 3,006 na mga tawag na kanilang natanggap noong Enero hanggang Marso, 2021, kung saan aabot sa 35 hanggang 53 ang bilang ng daily average calls na natatanggap ng ahensya, habang tumaas naman sa 289 ang monthly average calls na may kaugnayan sa suicide.

Nauna namang nanindigan ang simbahang katolika na mahalagang matutukan ang mental health ng mamamayan lalo na ang mga higit na apektado ng pandemya upang mabawasan ang pangamba, lumbay at maging ang labis na pag-iisip.

Nakikipagtulungan din ang simbahan sa pamahalaan upang matugunan ang tumataas na kaso ng depresyon sa bansa nang magsimulang magpatupad ng community quarantine noong Marso nang nakaraang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 80,409 total reads

 80,409 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 174,922 total reads

 174,922 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 219,190 total reads

 219,190 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 242,299 total reads

 242,299 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 313,790 total reads

 313,790 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,826 total reads

 146,826 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top