CBCP, ipinagdarasal ang mabilis na paggaling ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 657 total reads

Nakiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa panalangin para sa agarang paggaling ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ito ang pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles matapos ma-ospital ang Santo Papa at sumailalim sa operasyon sa colon diverticulitis.

“On behalf of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, I enjoin everyone to pray to the Lord and beg for our Blessed Mother’s intercession for the speedy recovery of Pope Francis,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.

Tiniyak naman sa pahayag ni Matteo Bruni, Director ng Holy See Press Office na nasa mabuting kalagayan si Pope Francis matapos ang operasyon.

Inalala ng CBCP ang pagbisita noon ng Santo Papa sa Pilipinas upang ipadama ang pagmamahal sa mga Filipino lalo na sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Visayas.

Dahil dito hinikayat ni Archbishop Valles ang mananampalatayang Filipino na patuloy ipanalangin ang Santo Papa bilang pagpapakita ng pagmamahal sa pinunong pastol ng simbahang katolika.

“We remember his beautiful and very inspiring Apostolic Visit to our country in 2015. We continue to feel his love for the Filipino people. In this particular time, let us show our love and affection for him. Let us pray together – clergy, religious and consecrated persons, our covenanted communities, our lay faithful, – for the complete recovery of Pope Francis,” ani ng arsobispo.

Matatandaang Hulyo 4 nang isugod sa Gemelli Hospital sa Roma si Pope Francis para sa operasyon. Nagpaabot din ng panalangin ang iba’t ibang grupo, organisasyon at mga indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig para sa agarang paggaling ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 11,052 total reads

 11,052 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 46,917 total reads

 46,917 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 103,323 total reads

 103,323 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 226,475 total reads

 226,475 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top