Sugatang mundo nabibigyang buhay kapag umiiral ang pagmamahalan sa tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 413 total views

Kapag may pagmamahalan, ang sangnilikha ay nagiging isang tahanan para sa lahat.

Ito ang mensahe ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa kanyang liham pastoral hinggil sa pagdiriwang ng Season of Creation na nakapaloob ngayon sa nararanasang krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Bishop Evangelista, nawa’y manaig sa puso ng bawat isa ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sapagkat napakahalaga ng maidudulot nito sa buhay ng tao upang mas maunawaan ang halaga ng mga nilikha ng Diyos at hilumin ang mundo na unti-unting napipinsala dulot ng iba’t ibang krisis sa kapaligiran.

“Kapag naranasan natin ang pag-ibig ng Diyos, ang biyayang ito ay mananahan sa atin. Matututo tayong tingnan ang lahat ng bagay at mga pangyayari sa ating mundo sa mata ng pag-ibig… Kapag umiral ang pag-ibig ng Diyos sa puso ng bawat tao, ang mundo na sugatan ay muling nabibigyang- buhay,” bahagi ng mensahe ni Bishop Evangelista.

Dalangin naman ng Obispo ngayong panahon ng paglikha na ang bawat pamilya at mga munting sambayanang Kristiyano ay matuto muling lumapit at makinig sa mapagmahal na Diyos na siyang maylikha ng lahat ng bagay.

Sinabi din ni Bishop Evangelista na huwag sanang maapektuhan ng umiiral na pandemya ang pagsisikap ng bawat isa na maging aktibo sa pakikibahagi sa mga layunin ng simbahan na tumulong at magmalasakit sa mga higit na nangangailangan, gayundin ang pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

“Ngayong panahon ng pandemya, huwag lang sana tayong makuntento sa pagdarasal o pagsisimba sa pamamagitan ng online mass. Ang ating mga papuri at pasasalamat sa Diyos ay dapat mauwi sa aktibong pakikisangkot sa mga gawaing may pag-ibig tulad ng pag-aaruga sa mga maysakit, pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga dukha, at pangangalaga sa kalikasan,” saad ni Bishop Evangelista.

Taong 2009 o labindalawang taon na ang nakalipas nang unang ilunsad sa Diyosesis ng Imus ang pinakaunang Season of Creation sa buong Pilipinas na pinangunahan ng noo’y Obispo ng Imus at ngayo’y Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, Luis Antonio Cardinal Tagle.

Taong 2015 naman nang ito’y ipag-utos na isagawa sa iba’t ibang Diyosesis sa buong bansa upang lubos na maipalaganap ang wastong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan sa kristiyanong pamamaraan.

Tema ng Season of Creation ngayong taon ang “A Home for All? Renewing the Oikos of God”, na ipagdiriwang sa buong buwan ng Setyembre hanggang sa Oktubre 4 kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Asis – ang patron ng kalikasan.

Ngunit pinalawig pa ito sa Pilipinas hanggang sa Oktubre 10 upang ipagdiwang ang Indigenous People’s Sunday bilang pagkilala sa mahalagang tungkulin ng mga katutubo sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan.

Diocese of Imus, nakikiisa sa paggunita ng Season of Creation

Diocese of Catarman, nakiki-isa sa pagdiriwang ng Season of Creation

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 50,875 total views

 50,875 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 46,744 total views

 46,744 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,946 total views

 82,946 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,551 total views

 91,551 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,571 total views

 116,571 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top