Archdiocese of Manila, nagpadala na ng tulong pinansiyal sa Prelatura ng Batanes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 459 total reads

Nagpadala na ng inisyal na tulong pinansyal ang Archdiocese of Manila sa Prelatura ng Batanes na matinding naapektuhan ng bagyong Ferdie.

Ayon kay Rev. Fr. Ricardo “Ric” Valencia, priest in charge ng Caritas Damayan Program ng Caritas Manila, nagbigay na ng dalawang daang libong piso ang Quaipo Church na kinumpirma ng kanilang kura – paroko na si Msgr. Ding Coronel.

Agaran aniya silang tumugon sa naging panawagan ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle sa pangangailangan ng mga apektadong lugar sa Hilagang Luzon na sinalanta ng bagyo.

“Ang Quiapo Church ay nagbigay na po kaagad ng Php 200, 000 according sa parish priest. So nung kasagsagan ng bagyo at ng makakuha kami ng information mula kay bishop kaagad din ho namin sinabi kay Cardinal,” bahagi ng pahayag ni Fr. Valencia sa panayam ng Veritas Patrol.

Tiniyak ni Father Valencia na daragdagan pa nila ang pinansyal na tulong sa Batanes matapos mailahad ni Bishop Camillo Gregorio ang pangunahing pangangailangan nang kanilang prelature lalo na sa pagpapa– ayos ng kanilang Katedral at kumbento na sinira ng bagyong Ferdie.

Aminado si Father Valencia na hindi na sila makapaghahatid ng relief goods sa Batanes dahil sa mahal na singil sa transportasyon patungo sa island province.

“Patungkol sa Batanes malamang hindi po tayo makapagpadala ng relief goods dahil ang pagpapadala doon ay magastos pa kesa sa dadalhin natin na mga pangangailangan nila doon mas madali po siguro ang pagpapadala ng pera sa kanila kase meron naman mabibili doon at may pamamaraan sila doon para mas mura kesa sa tayo ang magdala,” giit pa ni Fr. Valencia sa Radyo Veritas.

Sa datos ng National Statistic Office, ang Batanes ay mayroong mahigit sa 17-libong populasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,207 total reads

 56,207 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,703 total reads

 142,703 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,740 total reads

 185,740 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,499 total reads

 235,499 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,029 total reads

 394,029 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 330,836 total reads

 330,836 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 436,921 total reads

 436,921 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top