Diocese of Tagbilaran, nanawagan ng panalangin at tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 638 total views

Nananawagan ng tulong at panalangin si Diocese of Tagbilaran Bishop Alberto Uy matapos na mag-iwan ng pinsala ang bagyong Odette sa buong Visayas.

Ayon kay Bishop Uy, lubhang nakakalungkot at nakakahabag ang idinulot ng bagyo sa buhay at ari-arian ng mga tao lalo na’t magdiriwang ng Pasko.

“Let us all pray for the victims and survivors of Typhoon Odette. Everyone must lend a helping hand,” panawagan ni Bishop Uy.

Maliban sa panalangin at pagtulong, panawagan din ng obispo na isantabi muna ang mga usaping pulitikal na makakaapekto sa pagtulong sa kapwa ngayong nahaharap sa pagsubok ang bansa.

Ipinaliwanag ni Bishop Uy na sa pananalasa ng bagyong Odette ay sikapin ng bawat isa ang pagsuporta at pakikipagtulungan sa mga kinauukulan upang mas mapabilis ang pagtugon at pagtulong sa mga biktima ng sakuna.

“Sa Lahat ng Boholano, mangyaring suportahan ang ating mga lokal na pinuno habang ginagawa nila ang kanilang trabaho sa panahong ito ng pagsubok. Isantabi ang intriga at pulitika,” pahayag ni Bishop Uy.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, patuloy ang paghina ng bagyong Odette at ngayo’y nasa timog timog silangang bahagi ng Cuyo, Palawan sa layong 90 kilometro.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 235 kilometro kada oras habang tinatahak ang direksyong pa-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Ayon sa tala ng Philippine National Police, dalawa na ang naiulat na nasawi dulot ng Bagyong Odette sa Northern Mindanao habang dalawa naman ang nawawala sa Western Visayas.

Nasa humigit-kumulang 200-libong mga evacuees naman ang pansamantalang nanunuluyan sa halos 8,000 evacuation centers kabilang na ang mga simbahan sa pitong apektadong rehiyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 16,377 total views

 16,377 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 39,529 total views

 39,529 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 109,643 total views

 109,643 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 184,255 total views

 184,255 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 263,215 total views

 263,215 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top