Iparamdam sa kapwa na hindi ito nag-iisa – CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 850 total reads

Sikaping kalingain at iparamdam sa kapwa na hindi ito nag-iisa sa kabila ng patuloy na pag-iral ng iba’t ibang krisis sa lipunan.

Ito ang sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care Executive Secretary, Camillian priest Father Dan Cancino hinggil sa mga nakakaranas ng mental health problems dulot ng krisis.

Ayon kay Fr. Cancino, makabubuti na laging kumustahin ang kapwa na nakakaranas ng lubos na kalungkutan o depresyon upang maramdaman na mayroon itong kasama sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay.

“Ang maganda talagang gawin is to accompany. I-accompany itong mga taong nag-a-undergo ng anxiety at depression. Pakinggan sila at i-assure sa kanila na ikaw ay nandoon para sa kanila,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag ng opisyal na karamihan sa mga tao lalo na ngayong pandemya ang walang masandalan upang mapagsabihan ng mga suliranin sa buhay.

Kaya’t ang iba rito na sa halip na makita ang pag-asa ay mas pinipili na lamang na tapusin ang sariling buhay.

Sinabi naman ni Fr. Cancino na maliban sa mga eksperto tulad ng mga psychiatrist, ang bawat isa ay may kakayahang matulungan ang kapwang nakakaranas ng depresyon upang muling makita ang pag-asa at kapayapaan ng kalooban sa kabila ng iba’t ibang nagaganap sa lipunan.

“Dapat tayo’y umaksyon na ngayon. Hindi lamang yung mga professionals ang may kakayahang pagalingin ang mga may depression, kundi ang bawat isa sa atin ay may kakayahan at gampanin din na tulungan ang mga ito,” saad ni Fr. Cancino.

Batay sa National Center for Mental Health (NCMH) crisis hotline, tumaas ng 400 tawag kada buwan ang natatanggap ng ahensya kumpara sa 80-tawag lamang kada buwan bago dumating ang pandemya.

Ayon naman sa World Health Organization, mas marami ngayong edad 15 hanggang 29 na taong gulang ang nakakaranas ng depresyon.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,484 total reads

 14,484 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 16,812 total reads

 16,812 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 34,266 total reads

 34,266 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 3,352 total reads

 3,352 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 85,121 total reads

 85,121 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 179,346 total reads

 179,346 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 239,835 total reads

 239,835 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 253,570 total reads

 253,570 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 69,798 total reads

 69,798 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top