Obispo nananawagan ng pagiging mahinahon sa banta ng Omicron variant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 684 total views

Panatilihin ang pagiging mahinahon sa banta ng COVID-19 Omicron variant.

Ito’y ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Health Care Ministry ngayong patuloy na binabantayan sa bansa ang Omicron variant na sanhi ng biglaang pagdami ng mga nagkasakit sa pagpasok pa lamang ng 2022.

Ayon sa obispo, bagamat mas mabilis makapanghawa kumpara sa ibang COVID-19 variants, ang Omicron variant ay hindi dapat pangambahan ng publiko lalo na’t bakunado laban sa COVID-19.

“Maging mahinahon lang tayo. Think of this: nakalampas na tayo sa malaking suliranin – ang kasagsagan ng COVID, at marami na ang vaccinated,” bahagi ng mensahe ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Paalala naman ni Bishop Florencio na sakaling makaramdam ng anumang sintomas, agad na i-isolate ang sarili at sundin ang mga basic protocols laban sa virus upang hindi na makapanghawa ng kapwa.

“Now kung may sinat na, huwag mag-panic. Just take paracetamol and take a rest, eat and sleep well,” saad ng obispo.

Dagdag pa ng opisyal na maliban sa wastong pag-iingat upang hindi makahawa at mahawaan ng virus, ugaliin pa rin ang pagdarasal para sa kaligtasan ng lahat at ganap na kagalingan laban sa umiiral na pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 68,446 total views

 68,446 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 98,668 total views

 98,668 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 125,319 total views

 125,319 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 220,292 total views

 220,292 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 236,838 total views

 236,838 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top