Wastong pag-iingat sa banta ng Omicron variant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 486 total reads

Nagbigay ng ilang paalala sa publiko si Dr. Tony Leachon hinggil sa wastong pag-iingat sa banta ng COVID-19 Omicron variant.

Ayon kay Leachon, dating Special Adviser to the National Task Force on COVID-19 na bagamat bakunado o nakatanggap na ng booster shot laban sa virus, higit pa ring mahalaga ang pagtalima sa minimum public health standards laban sa virus.

Tulad na lamang nito ang palagiang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa physical distancing upang mapanatili ang kaligtasan mula sa COVID-19 transmission.

“Even if you’re vaccinated and boosted, it’s important to mask up in public indoor spaces to protect yourself and people around you from COVID,” ayon kay Leachon.

Iminungkahi rin ng dating opisyal ng pamahalaan na mas makabubuting gumamit ng “medically grade” na face masks tulad ng N95 masks, dahil napatunayan nang mas epektibo itong pananggalang laban sa COVID-19.

“And in light of Omicron [variant], consider upgrading to N95 or similar medical-grade masks, which do a better job of blocking viral particles for the wearer,” saad ni Leachon.

Batay sa ulat ng Department of Health, umabot sa mahigit 33,000 ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan umabot naman sa 157-libo ang aktibong kaso.

Nauna nang ipinaalala ni Catholic Bishop’s Conference of the Philippines-Health Care Ministry vice chairman, Military Bishop Oscar Jaime Florencio na panatilihin ang pagiging mahinahon sa kabila ng banta ng Omicron variant sa bansa.

Sinabi pa ng obispo na dapat ding ugaliin ng mamamayan ang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat at ganap na kagalingan laban sa umiiral na pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 127,622 total reads

 127,622 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 171,011 total reads

 171,011 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,767 total reads

 220,767 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,963 total reads

 379,963 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 401,257 total reads

 401,257 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,313 total reads

 191,313 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top