Pagbabaluktot sa katotohanan, ikinalulungkot ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,100 total reads

Ikinalungkot ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagkakahati-hati ng mamamayan dahil sa usapin ng pulitika.

Sa Pastoral Statement ng CBCP na may paksang ‘Ang Katotohanan ang Magpapalaya sa Inyo (Juan 8:32)’ hinimok nito ang mamamayan na hanapin ang katotohanan upang magkaroon ng pagbubuklod sa pamayanan.

“Nawa ang kapakanan ng lahat (common good) ang higit nating isaalang-alang. Igalang natin ang isa’t-isa, huwag tayong padadala sa galit, iwasan ang panghuhusga. Masigasig nating hanapin ang katotohanan. Gawin ang tama, iwaksi ang mali at masama,” bahagi ng pastoral statement ng CBCP.

Nababahala rin ang mga obispo sa historical revisionism na ipinalalaganap lalo na sa social media na maaring makakaapekto sa kaisipan ng mamamayan sa paghalal ng mga lider ng bansa.

Tinukoy ng CBCP ang pagbaluktot sa kasaysayan ng Martial Law na sinasabing ‘golden age’ ng bansa at ang katotohanan ng EDSA People Power Revolution noong 1986.

Anila, hindi imbento ang makasaysayang pangyayari sa EDSA sapagkat ito ay bunga ng pakikipagkaptiran at pananampalataya.

“Nakababahala lamang ang pagbabaluktot ng kasaysayan at tila pagbura ng ating alaala sa pamamagitan ng paghahasik ng mga maling kuwento at kasinungalingan. Mapanganib ito sapagkat ito’y paglason sa ating kamalayan at pagwasak ng mga pundasyong moral ng ating mga institusyon,” dagdag sa pahayag.

Hamon ng mga pastol ng simbahan sa mananampalataya na suriin ang sarili kung napabilang ito sa naghahasik ng kasinungalingan sa lipunan na nagpaparalisa sa kakayahang kilalanin ang Diyos at igalang ang kabutihan at katotohanan.

Kaugnay nito muling umapela ang CBCP sa mahigit 60-milyong botante lalo na sa kabataan na suriing mabuti at kilalanin ang bawat lider na iluluklok sa posisyon sapagkat dito nakasalalay ang kinabukasan ng bayan.

“Nananawagan kami sa inyo, mga kapatid – lalo na sa ating mga kabataan – na suriing mabuti ang mga nangyayari patungkol sa pagtataguyod natin ng makatotohanan at makatarungang lipunan. Mag-usap-usap at mag-aninaw kayo. Pakinggan ang inyong konsyensya. Kayo rin ang magdesisyon,” giit nito.

Naniniwala ang Simbahan sa kakayahan ng nasasakupan na piliin ang mabuti at katotohanan tungo sa isang maayos at maunlad na pamayanang nagbubuklod sa katarungan at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 52,671 total reads

 52,671 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 139,169 total reads

 139,169 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 182,206 total reads

 182,206 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 231,965 total reads

 231,965 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 390,694 total reads

 390,694 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top