Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sama-samang panalangin para sa kapayapaan sa Ukraine, panawagan ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

 1,171 total views

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa sambayanang Filipino na magbuklod sa pananalangin para sa kapayapaan ng buong mundo lalo na sa Ukraine.

Sa panayam ng Radio Veritas kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David napakahalaga ng taimtim na pananalangin upang mapigilang lumala ang tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

“Kami pong mga obispo ng Pilipinas ay nalulungkot at nakikiisa sa mga kapatid nating kristiyano sa bansang Ukraine na talagang balisang balisa ngayon; magdasal tayo kasi we cannot afford another war, isang malaking perwisyo sa buong daigdig ang giyera,” pahayag ni Bishop David.

Hinikayat din ng obispo ang mananampalataya na makiisa sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco para sa Day of Fasting for Peace sa March 2, 2022, Ash Wednesday ang pormal na pagsisimula ng kuwaresma.

Pangamba ni Bishop David na ang paglusob ng Russia sa Ukraine ay hakbang upang ibalik sa panahon ng Union of Soviet Socialist Republic

Batid ng opisyal ang pakikibaka noon ng Ukraine upang makamit ang kalayaan tulad ng ginawang EDSA People Power ng Pilipinas noong 1986 na naging susi sa matagumpay na pagpapatalsik ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Bukod pa rito pinangangambahan din ni Bishop David na ang pagkilos ng Russia ay maaring mahimok ang iba pang makapangyarihang bansa na manakop ng mga maliliit bansa.

“Magdasal din tayo baka itong pangyayaring ito ay magbigay ng lakas ng loob sa mga world powers na mananakop din ng katulad ng invading a country,” ani Bishop David.

Batay sa huling tala iniulat ng Ukraine na nasa 137 na ang nasawing sibilyan at sundalo habang ayon naman kay British Defence Minister Ben Wallace sinabi ng UK na tinatayang 450 Russian personel ang nasawi mula nang maglunsad ng pang-atake ang Moscow umaga ng February 24.

Umaasa si Bishop David na magkaisa ang mga Filipino sa pagdulog sa Panginoon para kapayapaan ng mundo at mawakasan ang sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 24,423 total views

 24,423 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 33,091 total views

 33,091 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 41,271 total views

 41,271 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 37,019 total views

 37,019 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 49,069 total views

 49,069 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 6,533 total views

 6,533 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 12,140 total views

 12,140 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 17,295 total views

 17,295 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top