Mahihirap, hindi pa ramdam ang anti-poverty campaign ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 354 total reads

Hindi pa ramdam ng mahihirap ang pagbabagong ipinangako ng administrasyong Duterte sa unang 100 araw ng pamamahala nito sa bansa.

Ayon kay Gloria Arellano , national chairperson ng grupong Kadamay, ito’y dahil sa wala pa sa unang programa ng gobyerno ang paglaban sa kahirapan lalo na at nakasentro ito ngayon sa paglaban sa iligal na droga.

Dagdag ni Arellano, sa kasalukuyan nagpapatuloy pa rin ang demolisyon kung saan nasa 4,000 mga bahay ang giniba simula ng June 30, 2016 at maging ang pag-aalis ng kontraktuwalisasyon ay hindi pa rin nila nararamdaman bagamat may mga pahayag na ang pamahalaan na unti-unti itong tatapusin.

Gayunman, umaasa ang grupong Kadamay na nawa maramdaman na nila ang pangako ng Pangulong Duterte sa mahihirap sa susunod na taon.

“Sa 100 days ni Duterte sa poverty hindi pa po magbabago kasi wala sa unang programa niya yun, yung dating kahirapan andiyan pa rin bagamat may mga programa na siyang sinasabi at maging ang mga cabinet members, hindi pa nasisimulan yang sa kahirapan, ang inuna niya ang ‘Oplan Tokhang, pero sa kahirapan mula noong June 30 nagpapatuoy pa rin halimbawa ang demolisyon, nasa 4,000 na ang na demolished , at yung pangako niya na trabaho o pag-alis ng contractualization, di pa nararamdaman bagamat sinisimulan ng pag-usapan,” ayon kay Arellano sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 10.5 milyong pamilyang Filipino o 46% ang nagsabing sila ay mahirap sa unang quarter ng 2016, mas mababa sa 11.2 milyong pamilyang Filipino o 50% noong 2015 sa kaparehong panahon.

Una ng ipinanawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagkalinga sa mahihirap sa pamamagitan na rin ng awa na may kaakibat na gawa gaya ng pagbabahagi sa kanila ng kanilang mga pangunahing pangangailangan at huwag silang balewalain ng estado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 5,289 total reads

 5,289 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 47,393 total reads

 47,393 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 154,269 total reads

 154,269 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 198,936 total reads

 198,936 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 220,955 total reads

 220,955 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 243,359 total reads

 243,359 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 374,921 total reads

 374,921 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top