Principled cooperation sa bagong administrasyon, suportado ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total views

Naniniwala ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na kailangang makibahagi ang mamamayang Pilipino sa “principled cooperation” sa bagong administrasyon.

Ito ang ibinahagi ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Raymond Daniel Cruz, Jr. sa pahayag ng Caritas Philippines na patuloy na pakikipagtulungan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng mga bagong halal na President-elect Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

Ayon kay Cruz, kasabay ng pakikiisa at pakikibahagi sa pamahalaan ay dapat maging mapagbantay ang lahat lalo’t marami pa ring mga katanungan na hindi nasasagot sa katatapos na halalan.

Umaasa si Cruz na maging aktibo ang iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang na ang Simbahan, mga Educational Institutions at ang Civil Society sa pagtugon sa mga usaping at mga suliraning panlipunan.

“Aligned with the statement of Caritas Philippines, the Laity and all peace-loving Filipinos should exercise “principled cooperation” with the government. But, with the many “unfinished businesses” in connection with the recent electoral exercise, we are called not to be at the waiting mode. Let us pro-actively engage our constituents (Churches, Educational Institutions and Civil Society) and address the “foundational footings” which has been shaken and weakened through the years.” pahayag ni Cruz sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Cruz na nararapat tugunan ng bagong pamahalaan ang malawak na suliranin ng katiwalian at korapsyon upang tuluyang magkaroong ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.

“As we hope and work for a collective alignment of our patriotic desires to uplift our nation from corruption and incompetence, let us not idly wait for one another, nor wait for the government or for one great plan of action, because there is so much re-building to be done.” Dagdag pa ni Cruz.

Nanindigan si Cruz na mahalaga ang patuloy na paggabay ng Simbahan upang ganap na maisulong ang kapakanan ng mas nakararami o ang common good.

Inihayag ni Cruz na hamon din sa bawat mamamayan na maging responsable, isabuhay ang pagiging maka-diyos at makabayan sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.

“Though coordination and bridging work are needed, especially in the grassroots, the Church should rebound immediately and show our sincerity in working for the common good. Let us veer away from issuing “motherhood statements”. Rather, wherever we are, let us rise up, act and simply do the right things in our circles of influence. Let us continue to be witnesses in our communities knowing that “it is the Lord” whom we are serving.” Ayon pa kay Cruz

Unang inihayag ni Caritas Philippines National director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mananatili ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa bagong pamahalaan partikular na sa mga programang tutugon sa karapatan at dignidad ng mamamayan, pagsusulong ng katotohanan at matapat na pamamahala sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 50,036 total views

 50,036 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,905 total views

 45,905 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,107 total views

 82,107 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,741 total views

 90,741 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,839 total views

 115,839 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top