Maglakbay ng sama-sama tungo kay Hesus, panawagan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 706 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na isabuhay ang pakikipaglakbay sa kapwa na panawagan ng simbahan sa mamamayan.

Ito ang mensahe ng Cardinal sa vigil mass na ginanap sa Our Lady of Peñafrancia Basilica Minore and National Shrine sa Naga City bago ang kapistahan ng patron ng Bicolandia.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula na itinatag ng Panginoong Hesus ang simbahan bilang sinodo upang anyayahan ang bawat nasasakupan na makilakbay ng sama-sama tungo kay Hesus.

“Itinatag ng Panginoong Hesus ang Simbahan bilang sinodo, at si Mahal na Ina ang ating kasama sa paglalakbay. Isabuhay natin ang diwa ng sinodo sa ating mga pamilya at mga pamayanang Kristiyano, at isabuhay natin ang Communion, Participation at Mission,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Tema sa kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia ngayong taon ang ‘Mary accompanies us in our journey towards a synodal Church’ na hango sa panawagan ng Santo Papa Francisco na Synod on Synodality.

Bago ang banal na misa ay isinagawa ang dalawang oras na fluvial procession sa Naga River sa imahe ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia at Divino Rostro na dinaluhan ng libu-libong deboto.

Ipinagdiriwang ang kapistahan ng patrona tuwing ikatlong Linggo ng Setyembre kung saan ngayong taon ito na ang ika – 312 pagdiriwang.

Ang Peñafrancia Festival sa Bicol region ang isa sa malalaking pista sa Pilipinas tulad ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ng Quiapo at Sinulog Festival ng Cebu tuwing Enero sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sr. Sto. Niño.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 71,347 total reads

 71,347 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 157,846 total reads

 157,846 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 200,881 total reads

 200,881 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 250,640 total reads

 250,640 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 408,381 total reads

 408,381 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top