Tagumpay ng Economy of Francesco, simula ng kinabukasan ng mahihirap at kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 706 total reads

Ang tagumpay ng idinaos na world meeting ng Economy of Francesco (EOF) sa Assisi Italy ang hudyat ng mabuting kinabukasan ng mga mahihirap at kalikasan.

Ito ang mensahe ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto, vice-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa 1-libong mga kabataan, economic leaders at estudyante na kinatawan mula sa 100-bansa.

“Alam naman natin na itong meeting na ito ay mahalaga para isakatuparan ang layunin ng Santo Papa bilang isang world movement of young people na nais ma-convert o di kaya mabigyan ng mas malalim na kahulugan ang economic models na mayroong tayo sa ibat-ibang bansa. Ito ay paglalayon na mabigyang pansin ang kahalagahan ng kalikasan at kahalagahan ng mga mahihirap sa ating lipunan at hindi ang profit ang nangunguna,”pahayag ni Bishop Presto sa Radio Veritas

Hamon ng Obispo sa mga kinatawan ng ibat-ibang bansa higit na sa 10-kinatawan ng Pilipinas na dumalo sa pagtitipon na pinaigtingin ang pagsasabuhay at pagkilos upang maisakatuparan ang mga adbokasiya ng EOF.

Ayon sa Obispo, gaano man ito kaliit sa simula at kahit pa hiwa-hiwalay itong isasagawa, sa tulong ng pinagsama-samang pagsisikap ng 1-libong kinatawan ay dahan-dahang makikilala at higit na magagamit ang mga makabagong sistema tungo sa pag-unlad ng ekonomiya kasama ang mahihirap.

Sinabi ng Obispo na sa tulong ng EOF movement ay mapapabuti ang kalagayan ng kalikasan.

“Sa kalikasan ay umaasa ang maraming mga indegenous peoples kung hindi man, maging ang mga non-indegenous peoples, ang kapwa ay isang natatanging yaman na mayroon tayo na bigyang kahalagahan kaya nga’t sa dalawang ensiklikal na ito (Laudato Si at Fratelli Tuti) makikita yung punto ng ating Santo Papa ang pakikipag-kapatiran sa kapwa at ang pangangalaga sa kalikasan,,” dagdag ni Bishop Presto.

Ang Economy of Francesco ay nagsimula noong 2019 sa pangangasiwa ng Italian Economist na si Luigino Bruni matapos manawagan ang Santo Papa sa mga kabataan at economic leaders sa buong mundo na lumikha ng bagong sistema sa ekonomiya na isasama ang mga mahihirap sa pag-unlad at pangangalagaan ang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 61,143 total reads

 61,143 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 147,640 total reads

 147,640 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 190,676 total reads

 190,676 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 240,435 total reads

 240,435 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 398,681 total reads

 398,681 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top