Dumagat tribes ng Rizal at Quezon, nanawagan ng tulong dahil sa ‘diarrhea outbreak’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,039 total reads

Nananawagan ng tulong ang mga Katutubong Dumagat na naninirahan sa Tanay Rizal at General Nakar Quezon na kabilang sa lubhang nasalanta ng Bagyong Karding.

Ayon kay Mhemar Silongan, higit na kinakailangan ang gamot laban sa Diarrhea dahil sa Diarrhea Outbreak sa Sitio Nayon Baranggay Santa Elena Tanay, Rizal makaraan ang malakas na bagyo.

Ayon Silongan, umaabot na sa limang Dumagat ang nasawi kabilang na ang sanggol sa Rizal, habang dalawa naman ang nailulat na nasawi sa Quezon dahil sa komplikasyon sa diarrhea.

“Sa ngayon po matindi po yung naging takot namin sa nangyari ngayon, gawa ng kakaiba po itong nangyari ngayon hindi po katulad dati na parang kayang solusyunan ng mga gamot namin sa bundok na mga herbal, ngayon po ang ikinatakot po namin parang oras yung hinahabol ng buhay ng bawat tao,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Silongan.

Ayon pa kay Silongan, bagamat maraming residente ang nakakaranas ng pananakit ng tiyan, mayorya ng mga biktima ng sakit ay mga Katutubong Dumagat.

Higit ring pinahirap ng sitwasyon ang pinsalang idinulot ng Bagyong Karding kung kaya’t apektado na ang kabuhayan ng pagtatanim ng mga katutubo.

Una ng tiniyak ng Department of Health ang patatalaga ng mga manggagamot at nurse upang tingnan ang kalagayan ng pamayanan gayundin ang pagsusuri sa pinagmulan ng sakit.

“Pinapanawagan po namin ay yung gamot gawa ng doon po sa amin, malayo po sa amin, katulad ng halimbawa ospital ay malayo po kaya kailangan po namin doon yung mga pang-agarang lunas, mga gamot,” ayon pa sa panawagan ni Silongan.

Sa tala, 33% ng 14-17-milyong mga katutubo sa Pilipinas ang naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre kung saan nananahan ang mga Katutubong Dumagat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 38,830 total reads

 38,830 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 83,141 total reads

 83,141 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 120,139 total reads

 120,139 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 227,018 total reads

 227,018 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 269,957 total reads

 269,957 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top