Kilalanin ang karapatan, kahalagahan ng mga Katutubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,771 total reads

Hinimok ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na kilalanin at pasalamatan ang mga katutubo hindi lamang sa Pilipinas, kun’di maging sa buong mundo.

Ito ang paanyaya ng Obispo mula sa kanyang pagninilay sa paggunita sa Indigenous Peoples’ Sunday at pagtatapos ng Season of Creation sa bansa.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Office on Stewardship na ang mga katutubo ang mga unang tagapagbantay at tagapangalaga ng kalikasan kaya’t marapat lamang na sila ay bigyang-halaga dahil sa kanilang mahalagang tungkulin.

“Marami tayong matututunan sa kanila kung paano makipag-ugnay sa ating kapaligiran. Kilalanin natin ang kanilang karapatan sa kanilang ninunong lupain,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Ibinahagi ng Obispo na marami ring mga katutubo ang naninirahan sa Palawan kaya’t makikita sa lalawigan ang kanilang malaking ambag sa pagpapanatiling maayos ng mga likas na yaman.

Batid ni Bishop Pabillo na kasabay ng tungkuling pangalagaan ang kalikasan, kinakaharap ng mga katutubo ang pagsubok tulad ng pagbabanta at pananakot na paalisin sa kanilang mga lupaing ninuno upang maging minahan at iba pang mapaminsalang proyekto.

“Huwag natin silang isantabi. Pahalagahan at ipagtanggol natin sila at ang kanilang kultura,” dagdag ng Obispo.

Ipinagdiriwang tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre, ang Indigenous Peoples’ Sunday ay paggunita sa mahalagang tungkulin ng mga katutubo sa pangangalaga ng ating nag-iisang tahanan, at hudyat na rin ng pagtatapos ng pagdiriwang ng simbahan sa bansa sa Season of Creation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 43,800 total reads

 43,800 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 91,538 total reads

 91,538 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 141,289 total reads

 141,289 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 300,488 total reads

 300,488 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 325,631 total reads

 325,631 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 188,153 total reads

 188,153 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top