Bagyong Paeng, nag-iwan ng tatlong patay, landslide at malawakang pagbaha sa Antique

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,141 total reads

Nag-iwan ng tatlong kataong patay ang bagyong Paeng sa lalawigan ng Antique.

Sa panayam ng DYKA Radyo Totoo Antique kay Louie Palmes ng Patnongon MDRRMO, natagpuan ang dalawang patay sa Barangay Poblacion at isa naman sa Brgy.Samalague ng nasabing bayan.

Nasawi sa Patnongon

courtesy: Mark Andio Dela Gracia

Dahil sa walang tigil na ulan, maraming bayan sa lalawigan ng Antique ang lumubog sa tubig baha at nagdulot ng mga landslide.

Sa litratong kuha ni John Michael Obiano, makikita ang naputol na Paliwan bridge na nag-uugnay sa Brgy.Cubay North bayan ng Bugasong at Brgy.Lugta sa bayan ng Laua-an.

Paliwan bridge boundary of Bugasong and Lau-an

kuha ni :John Michael Obiana

Nalubog din sa tubig baha ang transmitter ng DYKA Radyo Totoo Antique dahilan upang mag-off air ang himpilan habang naitala ang matinding pinsala ng bagyo sa bayan ng Hamtik, San Jose de Buenavista, Sibalom, Bugasong at Patnongon.

DYKA transmitter

DYKA Radyo Totoo Antique FB

Naitala din ang landslide sa national highway na bahagi ng Sitio CI-O sa Brgy.Bagtason na naging passable lamang sa mga sasakyan ngayong ika-29 ng Oktubre, 2022.

National road GISO connecting Brgy.Bagtason to Valderma town

Sa ipinadalang ulat ni Fr.Edione Pebrero, Social Action Director ng Diocese of Antique at station manager ng DYKA Radyo Totoo at Spirit FM Antique, 4,500 na individual o 1,800 families na apektado ng bagyong Paeng ang nasa iba’t-ibang evacuation centers sa lalawigan.

Sinabi ni Fr.Pebrero na nagpapatuloy sa kasalukuyan ang relief operations ng S-A-C at iba’t-ibang grupo sa mga naapektuhan ng hagupit ng bagyo sa lalawigan ng Antique.

“4,500 nasa evacuation centers o 1800 families. Lubog yong mga bahay kagabi dahil sa matinding ulan. Isang bridge that connects Southern part to northern part ang naputol. Bridge that connects to Iloilo, hindi puwede madaanan ng vehicles. Ongoing ang relief operations ng different groups after ng rescue operations’.mensahe ni Fr.Pebrero sa Radio Veritas

evacuation center

Exif_JPEG_420

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 130,158 total reads

 130,158 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 173,327 total reads

 173,327 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 223,085 total reads

 223,085 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 382,279 total reads

 382,279 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 403,453 total reads

 403,453 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top